Connect with us

Entertainment

Solphie Albert Ipinasyal ang mga Tagahanga sa kanilang Family Beach House na Matatagpuan sa Batangas

Isa nga sa talagang pinaglalaanan ng mga sikat na celebrity sa showbiz, kung bakit sila nagsusumikap sa kanilang trabaho ay ang makapagpundar ng mga properties. Maliban nga sa bahay, ay marami ang nagnanais na makapagpundar ng sarili bahay bakasyunan sa isang magandang lugar kung saan sila makakapagbakasyon, at makakapag-relaks kasama ang kanilang pamilya.

At siyempre, ang hanap ng marami ay isang beach na taglay ang napakagandang tanawin at malalasap ang sariwang hangin. Kaya naman, mapalad ang celebrity couple ma sina Sophie Albert at Vin Abrenica, dahil naranasan nila ang taglay na ganda ng pagmamay-aring beach house ng pamilya ni Sophie na matatagpuan sa Batangas.

At kamakailan nga, ay isinama ng dalawa ang kanilang mga tagahanga sa kanilang bakasyon sa beach house sa pamamagitan ng vlog na ibinahagi nina Vin at Sophie. Sa kanilang bakasyon, ay kasami rin nila ang kanilang buong pamilya.

Ayon naman kay Sophie, ay halos linggo-linggo silang bumibisita sa kanilang beach house noong hindi pa abala sa kanilang mga trabaho, at hindi pa nananalasa ang pandemya. At ngayon nga, ay bilang na bilang lamang, kung magtungo sila rito para magbakasyon kaya naman talagang sinusulit nila ang mga oras para mag-enjoy at makabonding ang pamilya.

Photo credits: Vin & Sophie | Youtube

Makikita naman sa unang bahagi ng vlog, na ipinakita ng magkasintahan ang kabuuan ng beach house kung saan masisilayan ang magandang tanawin. At isa nga agaw pansin lugar ay ang Matuod beach.

“So before our house used to be quite high, parang from the deck it’s a very high jump, from the deck down to the beach. But throughout the years, parang the sand starting coming up and it became so short na, parang you can climb the house already.”

Photo credits: Vin & Sophie | Youtube

Ayon naman sa ina ni Sophie, tinawag itong Matuod Beach dahil habang binabaybay ang malalim na bahagi ng dagat, ay nananatili namang hanggang tuhod lamang ang lalim ng tubig at hindi na tumataas pa.

“This beach is called Matuod beach because no matter how far you go the water is only until your knees… well not naman no matter how far you go. That’s an exaggeration!”

Photo credits: Vin & Sophie | Youtube

Espesyal rin ang beach house para kina Vin at Sophie, dahil dito nga naganap ang prosopal ni Vin sa aktres nang alukin niya ito ng kasal.

“I love it here, this is where I proposed”.

Photo credits: Vin & Sophie | Youtube

Ibinunyag rin ni Sophie na ang pangalan ng beach na ito ng kanyang pamilya sa Batangas ay pinangalanang Balai Hilom. Ito nga ay may ibig sabihin na “healing house”.

“This house my mom calls it Balai Hilom, which means healing house feeling.”

Samantala, ibinahagi rin ni Sophie ang pinakapaborito niyang spot sa beach. At ito nga ang lugar kung saan masisilayang ang napakagandang tanawin na hatid ng kalangitan, at ang inaabangan niyang sunset pagsasapit na ang dilim.

“The best thing about this place is – the sunsets here are so beautiful as in the skies are so nice, it usually pink or purple.”

Photo credits: Vin & Sophie | Youtube

Photo credits: Vin & Sophie | Youtube

“My favorite spot is here (the deck), or in the cabana kasi that’s usually where we socialize, where we make kwentuhan and then at night we stay here you can see the starts.”

Matatandaan na noong Disyembre ng nakaraang taon nang maganap ang proposal ni Vin kay Sophie. Isang espesyal na kaganapan sa kanilang buhay na naganap sa Balai Hilom. Biniyayaan naman agad ang kanilang pagsasama ng isang napakacute na baby girl na si Avianna Celeste na isinilang naman ni Sophie noong Marso 15, 2021.

error: Content is protected !!