Connect with us

Entertainment

Solenn Heussaff, Pinahanga Ang Publiko Sa Kanyang Stylish Outfit Nang Dumalo Sa Milan Fashion Week

Agaw pansin ang taglay na kagandahan ng celebrity mom na si Solenn Heussaff sa kanyang pagdalo kamakailan sa Milan fashion week para ngayong taon.

Photo Credits: Solenn Heusaff| IG

Hindi na nga lingid sa kaalaman ng marami na isa si Solenn Heussaff sa mga kilalang artista sa showbiz na talagang mahilig sa fashion. At kitang-kita naman na talagang napakaganda niya sa bawat outfit na kanyang isuot. Nagagawa nga ni Solenn na dahil ng maayos ang kanyang sarili, at umawra ng todo.

Photo Credits: Solenn Heusaff| IG

Kaya naman, kamakailan lamang ay marami ang pinahanga ni Solenn matapos niyang ipamalas ang kanyang natatanging ganda suot ang kanyang stylish outfit nang dumalo sa Milan Fashion week para ngayong taon.

Photo Credits: Solenn Heusaff| IG

Sa mga larawang ibinahagi ni Solenn sa kanyang Instagram, ay makikita na sadyang napakaganda ng kanyang awra suot ang mga magaganda at mamahaling kasuotan tulad na lamang ng Balenciaga, Fendi, Balmain, at iba pa. Hindi naman maikakaila na talagang lumutang ang ganda ni Solenn at pinatunayan ang pagiging fashionista sa naganap na fashion show sa Milan.

Photo Credits: Solenn Heusaff| IG

Sa isang IG post nga, ay ibinahagi ni Solenn ang kanyang unang araw sa Milan kalakip ang kanyang larawan. At base nga sa caption ng aktres, na nagsasabing maganda diumano ang panahon roon at maraming iba’t ibang uri ng pasta, ay masasabi nga na talagang enjoy na enjoy siya sa nasabing lugar.

Photo Credits: Solenn Heusaff| IG

“First day in Milan was awesome! Blessed with great weather and all types of pasta!”,ayon sa caption ng IG post ni Solenn.

Samantala, sa isa namang Instagram post ng celebrity doctor na si Vicki Belo, ay makikita na dumalo rin ito sa nasabing fashion show kasama ang asawa nitong si Hayden Kho. Sa kanyang post nga ay makikita na ibinahagi niya ang isang Tiktok video kung saan kasama niya sa pag-awra si Solenn.

Photo Credits: Solenn Heusaff| IG

Bago naman ang pagdalo ni Solenn sa fashion week, ay makikita sa Instagram ng aktres na nauna na siyang nagtungo sa France kasama ang kanyang asawang si Nico Bolzico at kanilang anak na si Thylane upang doon ipagdiwang ang holiday season. At makikita naman na talagang nag-eenjoy ang kanilang pamilya sa pananatili sa France. Sa France na rin ipinagdiwang ni Thylane ang kanyang 2nd birthday.

Photo Credits: Solenn Heusaff| IG

Sina Solenn at Nico ay naengaged sa isa’t isa noong December 2014. Hindi nagtagal ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong May 21, 2016 sa Combourg, France. Nagbunga naman ng isang napakagandang anak na babae ang kanilang pagmamahalan. Ito nga ay si Thylane Katana na isinilang ni Solenn noong January 1, 2020 sa St. Luke’s Medical Center.

error: Content is protected !!