Connect with us

Entertainment

Sofia Andres, Sinurpresa ng Isang Intimate Dinner ang Boyfriend na si Daniel Miranda Para sa Pagdiriwang ng Kaarawan nito

Napakasarap naman talagang ipagdiwang ang espesyal na araw, tulad ng birthday kapag kasama ang mga mahal sa buhay. Higit naman nakakataba ng puso, kapag ito’y pinaghandaan at pinaghirapan lalo na ng taong malapit sa ating puso.

Katulad na lamamg nga ng aktres na si Sofia Andres na ginagawa ang lahat upang mabigyan ng kaligayahan ang kanyang boyfriend na si Daniel Miranda. At upang pasayahin ang boyfriend at ama ng kanyang anak na si Daniel, ay ipinaghanda ito ng aktres ng isang intimate dinner sa pagdiriwang ng kaarawan nito.




Sa Instagram ay masayang ibinahagi ni Sofia, ang kuha ng mga larawan sa inihanda niyang intimate dinner para sa kaarawan ni Daniel. Makikita nga sa bawat larawan na talagang napakaganda ng pagkakaayos ng lamesa, at may napakaelegante itong disenyo na mismong si Sofia ang nagprepara at nag-ayos.

Samantala, sa caption ng kanyang post sa Instagram, ay nagbiro pa si Sofia na pwede na umano siyang i-hire pag may mga gatherings. Pinasalamatan naman ni Sofia, ang nagprint ng mga greeting cards.

“I guess you can hire me. All for you @danielmirandaa_. Thank you @theprintshopph for the greeting cards. You made it extra special!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Hindi naman maitago ang nadaramang kasiyahan ni Daniel sa ginawang effort ni Sofia upang maging masaya ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. At sa lahat ng post ni Sofia, ay nagkomento ng heart emoji ang car racer. Nagpasalamat rin ito, sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

“Another year older, wiser and happier. Thank you everyone for the birthday greetings.”

Makikita rin sa ilang larawan ang ka-sweetan ng magkasintahan sa isa’t isa. Kasama rin sa masayang selebrasyon ang kanilang napakacute na anak na si Baby Zoey. Hindi nga maikakaila na napakasaya ng naging pagdiriwang ng kaarawan ni Daniel kasama ang kanyang mag-ina.




May ilang mga kaibigan rin ni Sofia ang dumalo sa nasabing party. Kabilang na nga rito ang apo ng Comedy King Dolphy Quizon na si Mikyle Quizon na isang content creator. At sikat na YouTube star na si Ranz Kyle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Matatandaan na mismong araw ng pagdiriwang ng Father’s day noong nakaraang Hunyo, nang ibunyag ng aktres na si Sofia ang pagkakaroon niya ng anak kay Daniel Miranda na isang car racer.

error: Content is protected !!