Connect with us

Entertainment

Sofia Andres, Proud na Proud sa Kanyang Partner na si Daniel Miranda Dahil Ito Ang Naglalaba at Nagluluto Para sa Kanya

Ang 23 taong gulang na aktres na si Sofia Andres ay hindi maikakaila ang nakamit na kaligayahan magmula ng maging isang ganap na ina sa kanyang napakacute na baby girl na si Baby Zoe. Matatandaan na naging laman ng social media ang pag-amin ni Sofia na may anak na siya sa kanyang car racer boyfriend na si Daniel Miranda noong June 21, 2020, sa mismong pagdiriwang ng Father’s day.

Credits: Sofia Andres | IG

Magmula naman ng ibunyag ni Sofia ang kanyang pagiging isang ina, at pagkakaroon na ng sariling pamilya, ay mas lalo pa siyang naging bukas sa publiko na ibahagi ang kanilang buhay.

Tila naman napakapalad ni Sofia sa kanyang pamilya, lalo na nga’t isang uliran at napakabuting ama at partner ni Daniel sa kanya na kung saan ay talagang katuwang niya magmula sa kanyang pagbubuntis hanggang sa pag-aalaga sa kanilang panganay na anak na si Baby Zoe.

Credits: Sofia Andres | IG

At nito lamang ika-26 ng Agosto sa isang panayam sa programang Magandang Buhay, ay ibinahagi ni Sofia kung gaano kaalaga at ka-hands on si Daniel sa kanya, at sa kanilang anak.

Naitanong kay Sofia kung nakaramdam ba siya ng pangamba o takot na iiwan siya ni Daniel. Pag-amin nga ng aktres, ay kunting takot ang kanyang naramdaman. Ngunit dahil nga siya’y buntis ay hindi naman siya nag-alangan lalo na nga’t sa kabila ng batang edad ni Daniel, idagdag pa nga rito ang pag-aaral at career nito, ay sinabi ni Sofia na tila kailangan niyang suriing mabuti ang mga bagay. Hindi naman maikakaila na talagang masayang-masaya si Sofia sa piling ni Daniel.

Credits: Sofia Andres | IG

Sa pagdating naman ni Baby Zoe sa buhay nila, ay inamin nila Sofia at Daniel na malaki ang nabago sa kanila, kung saan ay mas nag-matured sila. At kung mag-aaway nga raw sila ay balewala na lang sa kanila ang mga away na tila ba walang nangyari. Ibig sabihin nga nito, ay talagang naggo-grow sila pareho at hindi na pinapalaki ang mga maliliit na bagay.

Credits: Sofia Andres | IG

Kwento pa ni Sofia ay mas lalo namang tumibay ang kanilang relasyon, at natuto pa sa mga bagay nang hayaan sila ng kanilang mga magulang na manirahan sa Australia, at mamuhay nang silang dalawa lang. Pag-amin ni Sofia, dahil nga silang dalawa lang ni Daniel ang magtutulungan, ay talagang proud siya sa kanyang partner kung saan nga ay napaka-organize pagdating sa paghawak ng pera.

Ipinagmamalaki rin ni Sofia si Daniel dahil bukod sa napakaresponsable nito, ay napakasipag rin nito sa mga gawaing bahay. Sa katunayan nga nito ay si Daniel umano ang naglalaba, nagluluto at naglilinis para kay Sofia sa loob ng kanilang bahay.

Credits: Sofia Andres | IG

Tila nga napakaswerte ni Sofia sa kanyang partner na si Daniel hindi lamang dahil sa gwapo at mayaman ito, kundi dahil na rin sa talagang responsable at maaasahan ito sa mga gawaing bahay.

error: Content is protected !!