Connect with us

Stories

Sofia Andres, Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit niya Inilihim ang kanyang Pagbubuntis at Panganganak Noon

Published

on

Matatandaan na noong Father’s day, June 21, ay marami ang nagulat sa pasabog ng aktres na si Sofia Andres matapos niyang ibunyag na siya ay isa nang ganap na ina sa anak nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Miranda na isang car racer.




Bago pa man ibunyag ng aktres na may anak na siya, ay naisilang na niya noong November 2019 ang napakacute na baby girl na pinangalanan nilang Zoe. At ngayon nga, si Zoe ay walong buwang gulang na.

Ngunit, bakit nga ba inilihim ni Sofia ang kanyang pagbubuntis sa mahabang panahon?

Photo credits: Sofia Andres | Instagram

Ayon nga kay Sofia ay nais niyang maging tahimik ang buhay niya habang siya’y nagbubuntis, kung saan ay malayo siya sa stress at anumang negatibong bagay na makakaapekto sa kanyang pagbubuntis. Ito nga ang payo na sinunod niya mula sa kanyang kapatid. Kaya naman, kahit ilang ulit ng napabalita ang kanyang pagbubuntis ay hindi umamin ang aktres at nanatiling tahimik lamang sa loob ng mahabang panahon. At sa mga panahong ito, ay walang senyales na buntis nga siya, dahil tila puro throwback photos lamang ang kanyang ibinabahagi sa kanyang mga social media accounts.

Photo credits: Sofia Andres | Instagram 

Ngunit, sa kabila nito, ay hindi naman maitago ni Sofia ang kanyang nararamdamang excitement sa pagiging isang ina. Pag-amin nga ng aktres habang binabalikan ang masayang yugto ng kanyang buhay bilang isang bagong ina, “It’s more on excitement. I think I was ready during that time.”

Samantala, ibinahagi rin ni Sofia sa naging panayam sa kanya, na nagkaroon siya ng pangamba sa maaaring kalabasan ng kanyang hindi inaasahang pagbubuntis. At ayon nga, kay Sofia ay natatakot siya na baka hindi siya panagutan ng nobyong si Daniel. Kaya naman, laking gulat niya dahil noong Araw ng mga Puso nang ipagtapat niya sa nobyo na siya’y buntis at magiging ama na ang nobyo ay naiyak raw si Daniel at tiniyak na pananagutan ang dinadala ng aktres.




Ngunit, ano naman kaya ang naging reaksyon ng mga magulang ni Sofia nang malamang siya’y buntis at malapit nang maging isang ina?

Dahil nga sa takot ni Sofia kung paano niya ipagtatapat sa mga magulang na siya’y buntis, ang una niyang naging takbuhan ay ang kanyang ate. Sinuportahan naman siya ng kanyang ate, at sinamahan nga siya nito upang pagpa-ultrasound. Sa ganitong sitwasyon nga nasubukan ang kanilang relasyon bilang magkapatid na talagang nagtulungan upang maresolba ang problema ni Sofia.

At nang ipakita naman ni Sofia sa kanyang mga magulang ang ultrasound ng kanyang baby ay naiyak raw ang kanyang ina. Samantalang ang ama naman niya ay nanatiling kalmado lang sa sitwasyon. Dahil nga sa pangako ng nobyo kay Sofia na pananagutan siya nito, hindi na nag-alinlangan pa ang mga magulang ng aktres na tanggapin ang kapalaran nito. Maging sa pagtatapat sa ina ni Daniel tungkol sa kalagayan niya ay siya rin ang nagsabi sa kadahilanang malaki ang takot ni Daniel sa kanyang ina.

Photo credits: Sofia Andres | Instagram

At ngayon nga, ay labis ang kaligayahan ni Sofia bilang isang ina ni Zoe. Ayon sa aktres, bagama’t challenging ang pagiging isang ina sa dami ng ginagawa at inaasikaso sa bata ay mararamdaman naman ang kaligayahan sa tuwing kasama niya ang anak. Kahanga-hanga rin na ang nobyo niyang si Daniel ay napaka-hands on sa kanilang anak. Na tila mas mommy pa umano kesa kay Sofia dahil sa pagiging maalaga nito at sobrang maalalahanin kay Baby Zoe.

Pag-amin naman ng aktres, ngayon raw na isa na siyang ganap na ina, naiintindihan na umano niya kung bakit ganun na lamang ang pagkaistrikto at pagprotekta ng kanyang magulang sa kanya. At dumating pa raw ang puntong narebelde siya dahil sa sobrang istrikto ng mga ito.

Ngunit, ayon sa aktres, ay pinagsisihan na niya ang mga bagay na nagawa niya noon. At ngayon nga, ay labis ang kanyang kaligayahan at pasasalamat dahil tinanggap siya ng kanyang mga magulang sa kabila ng kanyang nagawa. Patunay nito kung gaano siya kamahal at iniingatan ng kanyang mga magulang.

error: Content is protected !!