Connect with us

Entertainment

Sofia Andres at Daniel Miranda, Masayang Ipinagdiwang ang Ika-2nd Birthday Ng Kanilang Anak Na Si Zoe Natalia

Naging kontrobersyal man ang paglantad ng aktres na si Sofia Andres sa publiko sa pagkakaroon niya ng anak sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda, kapalit naman ito ng isang walang kapantay na kaligayahan.

Matatandaan na noong nakaraang taon buwan ng Hunyo nang isapubliko ng aktres sa mismong araw ng pagdiriwang ng Father’s day na isa na siyang ganap na ina. Ang rebelasyon ng aktres ay idinaan niya sa pagpost ng pagbati sa kanyang boyfriend, bilang isang uliran at mapagmahal na ama sa bunga ng kanilang pagmamahalan na si Zoe Natalia.

Magmula naman nang isapubliko ni Sofia ang tungkol sa kanyang anak, ay naging mas bukas na ang aktres na ibahagi ang mga masasayang kaganapan sa buhay ng kanilang pamilya.

Wala ngang pinapalampas na sandali si Sofia at bilang ina nga ng kanyang napakacute na anak na si Zoe, ay talaga namang isang siyang proud mommy.

Hindi naman namalayan ang matulin na paglipas ng panahon, dahil ang bundle of joy nina Sofia at Daniel na si Zoe, kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-2 taong kaarawan.

Dahil nga, isang espesyal na araw ito sa buhay ni Zoe na dapat ipagpasalamat ng kanilang pamilya, ay hindi nga nakaligtaan nina Sofia at Daniel na magkaroon ng isang masayang pagdiriwang.

Sa Instagram, ay magkakasunod ang naging post si Sofia ng mga larawan na kuha sa selebrasyon ng birthday ni Zoe. At makikita nga na nagkaroon ng isang makulay na doughnut-themed birthday party si Zoe na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilan nilang malalapit na kaibigan.

Makikita naman na hindi nagpahuli ang aktres na si Kathryn Bernardo sa pagdalo sa birthday ng anak ng kanyang kaibigan. At bilang ninang ni Zoe ay ipinakita ni Kath ang kanyang pagmamahal at pagsuporta sa kanyang inaanak sa pagdiriwang ng kaarawan nito. Dumalo rin sa masayang selebrasyon ang aktres na si Phoemela Baranda.

Sa caption ng kanyang post, ay pinasalamatan naman ni Sofia ang mga dumalo sa masayang pagdiriwang ng 2nd birthday ni Zoe.

“Thank you guys for celebrating with us today on her very special day. You made her super duper happy & that’s the greatest gift of all.”

Napakaganda namang pagmasdan ng family photo nina Sofia at Daniel kasama si Zoe kung saan nga ay masisilayan ang kanilang masayang ngiti habang nakaharap sa camera.

Agaw pansin naman ang ubod ng cute na si Zoe sa suot nitong baby blue dress. Nakakaaliw at napakacute ring pagmasdan si Zoe sa isang larawan habang nagbo-blow ng candle sa kanyang donut-themed cake.

Hindi naman talaga matatawaran ang kaligayahang hatid ni Zoe sa kanyang pamilya. Wala ring duda na mas lalong naging masaya at napuno ng pagmamahalan ang pagsasama nina Sofia at Daniel dahil sa kanilang anak na si Zoe.

error: Content is protected !!