Connect with us

Entertainment

Sofia Andres at Daniel Miranda, Ipinasyal Ang Netizens Sa Napakagandang Historic Mansion na Palacio De Memoria na Pagmamay-ari ng Pamilya ni Daniel

Isa ngayon sa pinag-uusapang celebrity couple sa showbiz ay ang magkasintahang sina Sofia Andres at Daniel Miranda. Makikitang ang kanilang masayang pamilya ay binigyang kulay ng kanilang anak na si Zoe.

Samantala, tila napakapalad naman ni Sofia dahil natagpuan niya ang isang tulad ni Daniel para makasama sa buhay. Bukod kasi sa isang mapagmahal na partner at ama sa kanilang anak, ay napakayaman rin ng pamilya ni Daniel. Si Daniel ay mula sa kilala at napakayamang angkan ng Lhuillier sa Cebu kung saan nga ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang isa sa pinakamalaking pawnshop sa bansa, ang Cebuana Lhuillier Pawnshop.

Maliban rito, ay maraming naglalakihang property ng pamilya ni Daniel. At isa nga sa maipagmamalaking property ng kanilang pamilya ay ang historic mansion na Palacio de Memoria na matatagpuan sa Parañaque.

Kamakailan lamang nga, ay ipinasyal nina Daniel at Sofia ang kanilang mga followers sa napakagandang historic mansion. Sa YouTube Channel nina Daniel at Sofia mapapanood ang kanilang vlog tungkol sa kanilang pamamasyal sa Palacio de Memoria.

Photo credits: Daniel and Sofia | Youtube

Photo credits: Daniel and Sofia | Youtube

Photo credits: Daniel and Sofia | Youtube

Photo credits: Daniel and Sofia | Youtube

Ang Palacio de Memoria ay itinayo noong 1920, kung saan nga ay masasabi na talagang kasama na ito sa kasaysayan ng bansa. Sa kabila ng naranasang World War II ay nakaligtas at naging matatag ito. Kaya naman, ngayon ay makikita ang angking ganda nito matapos mabili ng mga Lhuillier noong taong 2000. Noong 2010 naman nang ipaayos at mas pagandahin pa ito sa pangunguna ng magkapatid na sina Camille Lhuillier at Angelique Lhuillier.

Photo credits: Daniel and Sofia | Youtube

Photo credits: Daniel and Sofia | Youtube

At noong March 2019 nga nang buksan na ito sa publiko para maging pasyalan, at pinaparentahan na rin para magamit sa iba’t ibang klaseng pagdiriwang.

Photo credits: Daniel and Sofia | Youtube

Photo credits: Daniel and Sofia | Youtube

Sa video nga ay masayang nilibot nina Sofia at Daniel ang ganda at lawak ng lugar. Ang historic mansion ay may mga magagandang tanawin at obra na hatid ang European at Asian pieces.

Ang pre-war mansion na ito ay 7-storey house kung saan sa malawak na bakuran nito ay mga nakaparadang eroplano. At isa sa mga ay ginawang bar ang loob, na sadyang napakaganda ng disenyo ay napanatili parin ang orihinal na anyo ng eroplano.

Photo credits: Daniel and Sofia | Youtube

Photo credits: Daniel and Sofia | Youtube

May napakalawak rin itong garden kung saan nga maaaring pagdausan ng mga events. Dito rin ginagawa ng ilang art events at auction. Ipinaliwanag naman ni Daniel, na kahit pinaayos ang Palacio de Memoria at mas pinaganda, tiniyak parin daw ng kanyang ina na mananatili ang orihinal nitong anyo para kultura at kasaysayan ng bansa.

Matatandaan nga na sa Palacio de Memoria ginanap ang 1st birthday ng anak nina Daniel at Sofia na si Zoe. Sa ganda at lawak nga ng lugar, ay hindi maikakaila na nag-enjoy ang kanilang mga bisita.

error: Content is protected !!