Connect with us

Entertainment

Sofia Andres At Daniel Miranda, Ipinasilip Ang Kanilang Masayang Pagbisita Sa Spain At Portugal Kasama Ang Kanilang Anak Na Si Zoe

Enjoy na enjoy ngayon ang pamilya nina Sofia Andres at Daniel Miranda sa kanilang bakasyon sa Spain at Portugal kasama ang kanilang napakacute na baby girl na si Zoe.

CREDITS: Sofia Andres| IG

Noong nakaraang buwan ng Disyembre, ay lumipad patungong Spain ang “La Vida Lena” star na si Sofia Andres kasama ang kanyang boyfriend na si Daniel Miranda, at doon ipinagdiwang ang holiday season kasama ang pamilya nito. At matapos ang masayang pagdiriwang ng holiday season, ay patuloy ang enjoy na paglilibot ni Sofia sa Europe kasama ang kanyang boyfriend at kanilang dalawang taong gulang na anak na si Zoe.

CREDITS: Sofia Andres| IG

Makikita nga sa latest post ni Sofia sa kanyang Instagram na bumisita sila sa Philippine Embassy sa Spain kung saan ay kasalukuyang ambassador ang grandfather ni Daniel na si Philipe Lhuillier. Sa caption ng kanyang post, ay nagpasalamat nga si Sofia sa kanyang boyfriend at lolo nito dahil nakapasyal siya nasabing lugar kasama si Zoe na excited makita ang great grandfather nito.

CREDITS: Sofia Andres| IG

“My baby love was so excited to visit her great grandfather this morning. Thank you danielmirandaa & Tito Philippe for the Embassy tour.”

Sa magkakasunod na post ni Sofia sa Instagram, ay makikita ang kanilang enjoy na pamamasyal sa magagandang lugar sa Madrid, Spain. Matapos naman nilang masilayan ang ganda ng tanawin sa Spain, ay ipinasyal rin nina Sofia at Daniel si Zoe sa Lisbon, Portugal na anim na oras lamang ang layo sa Spain.

CREDITS: Sofia Andres| IG

Makikita naman sa bawat larawan ang saya ng kanilang pamilya sa kanilang pamamasyal sa magagandang lugar na kanilang pinuntahan. Hindi rin siyempre mawala ang kasweetan sa isa’t isa nina Sofia at Daniel na nasilayan rin ng kanilang mga fans sa larawan.

CREDITS: Sofia Andres| IG

Ang aktres na si Sofia Andres ay nakilala ng publiko sa kanyang mahusay na pagganap sa kanyang mga naging proyekto tulad ng Princess and I, She’s Dating the Gangster, Relaks, It’s Just Pag-Ibig, Forevermore, Pusong Ligaw at Bagani. Sa ngayon ay napapanood si Sofia sa Kapamilya teleserye na La Vida Lena kung saan ay ginagampanan niya ang papel bilang Rachel.

CREDITS: Sofia Andres| IG

Samantala, matatandaan naman na lumikha ng ingay si Sofia matapos niyang aminin sa publiko na isa na siyang ganap na ina sa kanyang anak na si Zoe. At ang ama nga nito ay isang car racer na si Daniel Miranda na nagmula sa kilala at napakayamang angkan sa Cebu. Ang pag-amin ng aktres, ay naganap sa mismong pagdiriwang ng Father’s day noong Hunyo 21, 2020 kung saan ay binati niya ang kanyang boyfriend na si Daniel, sa unang beses bilang isang ama.

CREDITS: Sofia Andres| IG

Ngayon nga ay masisilayan sa kanilang pamilya, ang isang napakagandang pamilya na puno ng saya at pagmamahalan. At siyempre, ang pamilya ay binuo ng napakacute na si Zoe na siyang nagbibigay ng saya at kulay sa kanilang pamilya.

error: Content is protected !!