Connect with us

Entertainment

Social Media Influencer at Vlogger na si Mimiyuuuh, Nag House Hunting na Para sa Pangarap na Bahay para sa Kanyang Pamilya

Tunay na kapag nagsumikap sa buhay at hindi sinukuan ang pangarap na minimithi ay tiyak na matutupad ang inaasam na pangarap. Isa ngang patunay riyan ay ang social media influencer at vlogger na si Mimiyuuuh na dahil sa kanyang pagsusumikap at hindi pagsuko sa pangarap ay malapit na niyang makamit ang pangarap na bahay para sa kanyang pamilya.

Unang nakilala si Mimiyuuuh noong 2019 sa kanyang video ng sarili niyang bersyon ng “Dalagang Pilipina” na talaga namang ipinamalas ang kanyang angking talento kaya naman hinangaan ito ng mga netizens at nag-viral sa social media. Dito nagsimulang lumikha ng sariling pangalan si Mimiyuuuh at ang kanyang kasikatan ay mas lalo pang umusbong sa online world. Dahil sa kanyang talento, ay kabila’t kanan ang mga kompamya na nag-aalok sa kanya upang mag-endorso ng mga produkto. At ngayon nga, ay isa na siya sa pinakakilala at pinakasikat na social media influencer sa bansa.



Sa pagiging isang vlogger ni Mimiyuuuh ay marami siyang napapasayang manonood na aliw na aliw na sa kanyang mga videos. Kaya naman, bumuhos ang biyaya sa buhay niya at sa kanyang pamilya. At ngayon nga, ang pagsisikap niya ay nagbunga na dahil ang pangarap niyang bahay para sa kanyang pamilya ay naisakatuparan na.

Hindi nga halos makapaniwala si Mimiyuuuh sa nakamit niyang tagumpay ngayon at ito nga ang ibinahagi niya nang makapanayam siya sa Lazada sa Mid-Year Bounce Back Sale, na isa sa mga kompanyang iniendorso niya.

Photo credits: mimiyuuuh | IG 

Sa edad nga na 23 taong gulang ay nakamit na niya ang pangarap na magkabahay ang kanyang pamilya, ngunit ayon kay Mimiyuuuh, hindi raw niya inaasahan na agad niyang matutupad ang pangarap niyang ito dahil ang akala niya ay sa edad na 30 pa siya makakabili ng bahay para sa kanyang pamilya.

Photo credits: mimiyuuuh | IG 

“Akala ko nga po mga nasa 30s pa ko makakabili ng bahay tapos ayun po, sobrang amazed ako na makakabili na po ako ng bahay for my family.”



Kamakailan lamang nang ibahagi ni Mimiyuuuh sa kanyang vlog sa kanyang Youtube channel ang pag-hahouse hunting nila ng bagong bahay kasama ang kanyang mga magulang. Hindi naman sila nabigong makakita ng magandang bahay para sa kanyang pamilya. At ayon kay Mimiyuuuh ay handa na silang lumipat sa bagong bahay at naghihintay na lang na ma-turn over ito sa kanila.

Photo credits: mimiyuuuh | IG 

“Nakahanap na po kami. Yehey! On-going na po yung pagpa-process niya!”.

Labis nga ang kaligayahan ni Mimiyuuuh sa nakamit niyang tagumpay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang pamilya. Ang pamilya ni Mimiyuuuh ay nangungupahan lamang ngunit dahil nga sa pagsusumikap ni Mimiyuuuh sa pag-abot sa pangarap na magkabahay, ngayon nga ay nalalapit na silang manirahan sa isang napakalaki at napakagandang bahay.

error: Content is protected !!