Connect with us

Entertainment

“Sobrang saya, hanggang ngayon di ako makapaniwala na nangyari ‘yon.” Silipin ang Masayang Bakasyon ni Maymay Entrata sa Dubai

Isa nga sa paraan upang mag-alis ng stress at makapag-relax, ay ang magbakasyon sa isang tahimik at napakagandang lugar. Kapag masilayan nga, ang nagagandang lugar, ay tiyak na mawawala ang anumang suliranin na nasa ating isipian, dahilan upang maging masaya at marelax. Kaya naman, habang may pagkakataon ay sinasamantala ang oras na makapunta sa nais na lugar upang makapagbakasyon, kasama ang pamilya, o kaya naman ay mga kaibigan.

Katulad na lamang nga ng mga sikat na artista sa showbiz, na hindi nagpahuli sa kani-kanilang getaway sa naggagandahang lugar kasama ang kanilang pamilya at kaibigan mapa-lokal man o sa ibang bansa. Ang bawat sandali nga, ay kanilang sinusulit upang mag-enjoy at makapagbonding kasama ang mga mahal sa buhay.




Kabilang na nga rito, ang teen star na si Maymay Entrata na talagang sinulit ang bakasyon upang mag-enjoy. Hindi nga naging hadlang ang nararanasang pandemya, upang maging masaya at mapuntahan ng aktres ang nais niyang lugar. At para sa pagsalubong ng bagong taon, ay minabuti ni Maymay na sa Dubai, gugulin ang mahabang holiday season kasama ang kanyang mga kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Bagama’t, abala sa kabila’t kanang trabaho, ay nagplano ang aktres na makapagbakasyon sa Dubai upang mag-alis ng stress at sulyapan ang magagandang tanawin. At isa nga sa talagang hindi pinalampas ni Maymay sa Dubai ay ang matunghayan ang kahanga-hangang fireworks display sa Burj Khalifa. Hindi naman maitago na talagang nabighani si Maymay, na kung saan ay na-inlove sa taglay nitong ganda.

“Pangarap ko lang makakita ng fireworks ng Burj Khalifa, tapos ang ganda, as in na-in love ako sa fireworks.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Nang ibahagi nga sa Instagram ang kuha ng larawan, ay hindi maitago ng aktres ang kanyang labis na kaligayahan. Ito nga ay dahil hindi niya lubos maisip na darating ang araw, na matutunghayan niya ang matagal na niyang pinapangarap na mapuntahang lugar.




“Sobrang saya, hanggang ngayon di ako makapaniwala na nangyari ‘yon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Samantala, maliban sa napakagandang fireworks display, ay bumisita rin si Maymay sa famous sand dunes sa Dubai. At makikita sa mga larawan na sadyang napakaganda ni Maymay sa suot niyang black slit dress. Hindi naman maikakaila na photogenic ang aktres sa iba’t ibang anggulo na makikita sa bawat larawan.

Makikita naman na talagang nag-enjoy si Maymay sa kanyang bakasyon sa Dubai, at ang pahanong pananatili sa napakagandang lugar, ay talagang sinulit ng aktres.

error: Content is protected !!