Connect with us

Entertainment

Slater Young at Kryz Uy, Ipinasilip ang Tree House ng Kanilang Anak na si Scott na Gawa ng Kanyang Lolo

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang magkaroon ng isang anak sa pamilya. Ito nga ang magsisilbing kayamanan ng pamilya, na siyang nagbibigay saya at kulay sa pamilya. At hindi lamang nga mga magulang ay natutuwa sa kanilang anak, kundi pati na rin ang lolo at lola na talaga namang ipinapakita ang pagmamahal sa kanilang apo.




Katulad na lamang nga ng anak ng mag-asawang Slater Young at Kryz Uy na napakapalad sa kanyang lolo. Ito nga ay matapos gawan ang kanyang apo ng isang tree house.

Photo credits: Slater Young | IG

Kamakailan lamang, ay masayang ibinahagi sa Instagram ng former Pinoy Big Brother Big Winner na si Slater Young at asawa nitong fashion blogger na si Kryz Uy, ang tree house na ginawa para sa kanilang anak na si Scott.

Sa caption ng post ni Kryz Uy, ay inilarawan nito kung gaano kaganda ang tree house. Bukod sa may kuryente ang tree house, ay may proteksyon rin ito sa hangin. May slides at wall climbers ring inilagay ang lolo ni Scott sa tree house.

“Built with love by Scott’s grandpa for all his grandkids. Such a beauty, complete with electricity, wind protection by the trees and Christmas decor! kiddie slide and wall climbers to follow!”pagbabahagi ni Kryz Uy sa kanyang Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kryz (@kryzzzie)

Samantala, nagbahagi rin si Slater sa kanyang Instagram ng larawan kung saan magkasama sila ng kanyang anak na si Scott na karga-karga ng aktor habang nakahawak sa lubid. Caption naman ni Slater sa kanyang post:

“Guess who’s excited for his tree house! (Me 🙋🏻‍♂️😂)”

Matapos namang ibahagi ng mag-asawa ang larawan ng napakagandang tree house na gawa ng lolo ni Scott, ay napansin agad ito ng mga netizens. Nag-iwan nga ang mga ito ng komento sa kanilang post na puno ng paghanga sa nasabing tree house.




“Amaziiing! Scottie is so blessed to have parents like you and also his grandparents,”komento ng netizen.

“Love the scottpod. So sweet the grandpa,” saad naman ng isang netizen.

Photo credits: Slater Young | IG

Talaga nga namang napakapalad ni Scott sa pagkakaroon ng mga magulang na tulad nina Slater at Kryz, samahan pa nga ito ng isang napakasweet at mapagmahal na lolo. Ngayon pa lang nga na maliit pa lang si Scott, ay makikita na kung gaano siya kamahal ng kanyang mga magulang.

Matatandaan na ikinasal sina Slater at Kryz sa Cebu noong Pebrero 2019. At matapos lamang ang isang taon, ay isinilang na ni Kryz ang kanilang panganay na anak na si Scott noong June 2020.

error: Content is protected !!