Connect with us

Entertainment

Siya si Mariel Tung, ang Napakagandang Kapatid ng Aktres na si Lovi Poe sa Kanyang Ina

Ang pangalang “Poe” ay hindi maitatanggi na kilalang-kilala sa industriya ng showbiz. Ito nga ay dahil sa yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. o mas kilala bilang “The King” sa showbiz na talagang nag-iwan ng hindi makakalimutang husay sa pagganap sa mga pelikula. At isa nga, sa mga anak ni “The King” na sumunod sa yapak niya bilang artista ay ang napakagandang aktres na si Lovi Poe o Lourdes Virginia Poe sa tunay na buhay.



Isa nga si Lovi Poe sa may pinakamagandang mukha sa showbiz na talaga namang makikita ang natural na kagandahan ng aktres na kilala rin sa pagiging morena. Si Lovi ay anak ni Fernando Poe Jr, at dating aktres na si Rowena Moran. Ang ina ni Lovi ay taglay ang napakagandang mukha, hindi maikakaila na nagmana si Lovi sa ina. Ngunit, hindi lamang kagandahan ang namana ni Lovi sa kanyang magulang, kundi pati na rin ang husay sa pag-arte.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami, ay may nakakabatang kapatid si Lovi sa kanyang ina, na tlagang napakaganda ring tulad niya. Siya si Mariel Tung o mas kilala bilang Yela sa kanyang social media accounts. Maraming netizens ang humanga at nabighani sa kagandahang taglay ni Yela na mala-artistahin sa ganda.

Photo credits: google.com

Sa katunayan nga nito, kahit may anak na ay napanatili parin ni Yela ang kanyang magandang hubog ng katawan. Isa ngang proud mommy si Yela sa kanyang anak na si Frankie.

Photo credits: google.com

Samantala, hilig naman ni Yela ang pagluluto at pagbi-bake. Sa katunayan nga nito ay nagtatrabaho si Yela bilang isang assistant chef sa isang restaurant sa San Francisco. Kaya naman, sa halip na pasukin ang showbiz ay mas gusto ni Yela ang magluto at magbake dahil ito ang kanyang passion.

Photo credits: google.com

Hilig rin ni Yela ang magbabad sa beach at mag-alaga ng mga aso. Samantala, makikita naman sa mga larawang ibinahabagi nila sa social media na talagang magkasundong-magkasundo at malapit sila sa isa’t isa. Isa nga sa kanilang bonding moments ay ang magtravel ng magkasama sa magagandang lugar lalo na sa beach. At kapag nakasuot na ng swimsuit, ay mas lalong lumulutang ang kagandahan ng magkapatid, dagdag pa rito ang kahanga-hanga nilang kaseksihan.

Photo credits: google.com

Sa taglay na kagandahan at seksing katawan ni Yela, ay marami ang nagsasabi na malaki ang potensyal nitong sumikat bilang artista sa showbiz. At tulad ng kanyang Ate Lovi, ay marami rin itong magiging tagahanga kung sakali mang pasokin nito ang showbiz.



Photo credits: google.com

Isa naman sa mga adbokasiya ni Yela ang pagtulong sa pagsulong ng ‘awareness on mental health’, cancer at educational rights. Patunay nga nito na hindi lamang kagandahan ang taglay ni Yela, kundi taglay rin nito ang napakabuting kalooban.

error: Content is protected !!