Connect with us

Entertainment

Siya si Kotaru Shimizu, ang Unico Hijo at Napaka Gwapong Anak ng Aktres na si Jean Garcia

Jessica Anne Rodriguez Maitim o mas kilala bilang Jean Garcia ay isang sikat na aktres na hinahangaan at tinitingala sa mundo ng showbiz sa ating bansa na nagmula sa Angeles City, Pampanga.

Photo Credit: Jean Garcia Instagram




Siya ay isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz kung saan marami na siyang ginawang pelikula at proyekto at dahil sa kanyang husay at galing sa pag-arte ay marami na rin siyang natanggap na parangal. Naging maganda ang takbo ng kanyang karera at patuloy siyang namamayagpag sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: Jean Garcia Instagram

Kabilang rin siya sa listahan ng mga kilalang personalidad na may magaganda at gwapong anak sa mundo ng showbiz. Nagkaroon siya ng dalawang anak sa kanyang mga nakarelasyon, ito ay sina Jennica Garcia na isa na ring aktres katulad niya at Kotaru Shimizu na anak naman niya sa isang Japanese.

Photo Credit: Jean Garcia Instagram

Kamakailan lamang nang ibahagi niya sa social media ang mga larawan ng kanyang anak na si Kotaru Shimizu na talagang hinangaan at inulaan ng papuri dahil sa magandang katangian nito. Bagamat tamihik ang aktres na si Jean Garcia tungkol sa kanyang naging relasyon sa ama ni Kotaru Shimizu ay masaya at nagpapasalamat parin siya na nagkaroon sila ng anak.




Photo Credit: Jean Garcia Instagram

Nitong nakaraan nga, nagdiwang ng kaarawan ang kanyang anak na si Kotaru Shimizu at kasabay nito ay nagbahagi siya ng mga larawan ng kanyang anak sa kanyang instagram account. Nilakipan naman niya ito ng caption na:

“Lots of love to the best son in the world…he turned 16 today! When you came into my life, I was complete. I am a proud parent of an outstanding man”.

“My greatest gift is watching you become the independent, fearless, responsible and accomplished person you have grown into. Happy birthday my dearest boy! We love you very much”

Dagdag pa niya upang ipaabot ang pagbati sa kaarawan nito.

Photo Credit: Jean Garcia Instagram

Nagbahagi rin siya ng kaunting impormasyon tungkol sa ama ni Kotaru, ito raw ay isang advertising executive sa Japan. Ayon sa aktres, hindi na raw mahalaga kung ano ang pagkatao ng ama ni Kotaru at kung saan man ito naroroon ngayon.

“Hindi na importante kung ano man name niya or nasaan man siya”

Paliwanag ng aktres.

Photo Credit: Jean Garcia Instagram




Naibahagi rin ng aktres na hindi nakakatanggap ang kanyang anak ng anumang pinansyal na suporta mula sa ama nitong Japanese. Sinabi rin niya na kontento na siya sa buhay kasama ang kanyang anak.

“Ang mahalaga lang sa akin ay nagkaroon kami ng anak and I want to think him being the father. Though hindi nga kami talagang nagtagal, still minahal ko naman siya. Nagmahalan kaming dalawa”

Dagdag pa ng aktres.

Photo Credit: Jean Garcia Instagram

Sa intagram account ni Kotaru, mapapansin na mahilig ito sa sports lalung-lalo na paglalararo ng basketball. Kailan lamang nang manood ito ng laro ng NBA ng live sa Staples Center. Isa rin siyang tagahanga ng NCAA kung saan nanonood pa siya ng mga laro sa abroad at nakilala nya rito ang isa sa mga hinahangaan niya na si Kobe Paras.

Photo Credit: Google Image

Bukod sa pagkahilig nito sa baskteball, may kaaya-aya din siyang taste pagdating sa fashion na talagang bumagay sa taglay na kagwapuhan at makisig na pangangatawan nito. Mahilig din siyang mag-mix and match ng kanyang mga kausotan, sapatos at ibang accessories na bagay na bagay sakanya at kahanga-hangang para sa isang pang-Instagram na larawan.




Maraming netizens ang humanga sa anak ni Jean Garcia na si Kotaru Shimizu dahil sa angking kagwapuhan nito. Bagamat lumaki itong wala ang kanyang ama ay lumaking maayos at responsableng tao ito at mahal na mahal ng kanyang inang si Jean Garcia.

error: Content is protected !!