Connect with us

Entertainment

Siya si Austin Ramsay, ang Napaka Gwapong Anak ng Aktor na si Derek Ramsay

Nito lamang ika-11 ng Nobyembre nang masaksihan ng publiko ang matamis na pagmamahalan at palitan ng sumpaan ng celebrity couple na sina Derek Ramsay. Ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap sa isang napakagandang mountain resort na Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bagac, Bataan.

At makikita nga na ang kanilang puno ng pagmamahalang pag-iisang dibdib ay dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya. Hindi nga nawala sa masayang okasyon, ang gwapong anak ni Derek na si Austin Ramsay. Agaw pansin nga ang anak ni Derek dahil sa taglay nitong kagwapuhan, na hindi maikakailang nagmana sa kanyang ama.

Kaya naman, marami ang rin ang talagang na-curious at nais pang makilala nang husto ang gwapong binata na anak ni Derek na ngayon nga ay 18 taong gulang na.

Sa Instagram ni Austin, ay makikita na binatang-binata na ito at marunong naring magdala ng kanyang sariling style ng pananamit. Mapapansin nga na mahilig ang binata sa makukukay na outfit na kung saan ay bagay na bagay rin sa kanya. Mahilig rin sa sports si Austin, sa katunayan nga nito ay naging miyembro siya ng rugby team sa kanilang paaralan.

Ang gwapong binata na si Austin ay anak ni Derek sa kanyang dating asawa na si Mary Christine Jolly. Bagama’t, makikitang malapit sa isa’t isa sina Derek at Austin, lingid sa kaalaman ng marami, ay lumaki si Austin sa poder ng kanyang ina sa Dubai. Nasa edad na sampung taong gulang na si Austin nang makita ng personal ang kanyang Daddy Derek. Kahit nga na lumipat na sa poder ni Derek si Austin noong 14 taong gulang na ito, ay noong 17 taong gulang na ang binata nang tawagin nitong “dad” ang aktor, dahilan nga para tumulo ang kanyang luha.

Samantala, pagdating naman sa relasyon ng kanyang Daddy Derek sa asawa na nito ngayong si Ellen Adarna, ay hindi naman maikakaila na suportado ni Austin ang kaligayahan ng kanyang ama. Sa katunayan nga nito, ay si Austin ang unang nakaalam sa plano ng kanyang ama na alokin ng kasal si Ellen. At ito nga ay dahil nais rin ni Derek na hingin ang pagpayag ng kanyang anak sa plano niyang magpakasal.

Hindi naman tumutol pa si Austin sa nais ng kanyang ama, sa halip nga ay buong puso nitong ipinakita ang suporta sa kanyang ama. Sa isang panayam naman kay Derek, ay minsan nang ibinahagi ng aktor nang sabihin niya sa kanyang anak ang plano niyang magpakasal.

Ayon nga rito, ay masaya si Austin sa kanyang desisyon dahil gusto rin nito si Ellen para sa kanya, at pati narin ang anak ng aktres na si Elias. At hindi rin naman maikakaila na malapit sa isa’t isa at madalas ring magbonding sina Austin at Elias.

error: Content is protected !!