Connect with us

Entertainment

Siya Si Amanda Gabrielle, Ang “Mini Me” At Napakagandang Anak Ng Aktres Na Si Ara Mina

Pagdating sa mga sikat at kilalang artista sa showbiz na taglay ang magandang mukha at nakakabighaning pigura, ay kabilang sa listahan ang aktres na si Ara Mina. Isa nga siya sa talagang hinahangaan ng marami dahil bukod sa kanyang taglay na ganda at karisma, ay napakahusay rin niyang umarte.

Photo credits to the owner

Maliban naman sa pagiging abala sa kanyang karera sa showbiz, ay isa ring butihin at mapagmahal na ina si Ara sa kanyang unica hija na si Amanda Gabrielle. At bilang isang ina nga ay binubuhos ni Amara ang kanyang atensyon at pagmamahal kay Amanda. Patunay lamang nga dito ang mga larawang ibinabahagi ng aktres sa social media.

Photo credits to the owner

At kamakailan lamang nga ay proud na ibinahagi ni Ara sa kanyang Instagram ang napakagandang larawan ng kanyang anak na si Amanda. Sa larawan ay masisilayan ang napakaganda at maamong mukha ni Amanda na hindi naman maikakailang namana niya sa kanyang Mommy Ara. Kung pagmamasdan nga ang larawan, ay masasabi naman talagang “Mini Me” ni Ara ang kanyang unica hija dahil sa kanilang pagkakahawig.

Photo credits to the owner

Ang nasabing larawan ay kuha sa kasal ni Ara at asawa nitong si Dave Almarinez. Kaya naman ang napakacute na si Amanda ay nagmistulang little bride suot ang kanyang magarang white ball gown. Makikita namang naka-matching ang mag-inang Ara at Amanda sa mismong araw ng kasal ng aktres. Makikita na ang napakagandang kasuotan ng anak ni Ara, ay terno sa magarbong wedding gown niya.  At ito nga ay talagang ipinasadya ni Ara sa mahusay na designer para twinning ang suot nilang mag-ina sa espesyal na araw ng kanyang kasal.

Photo credits to the owner

Ang caption naman ng post ni Ara, ay naglalaman ng nakakaantig na mensahe kung saan damang-dama ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak. Pinasalamatan rin ng aktres ang pagdating ni Amanda sa kanyang buhay, na kung saan nga ay itinuturing niyang pinakagandang regalo na kanyang natanggap.

Photo credits to the owner

“My tresure,I thank God every day for her. My daughter is one of the greatest gift I’ve ever gotten. She is a little star and my life has changed so much for the better since she came along”.

Binigyang diin rin ni Ara sa kanyang post, na hindi lamang siya ang nagmamahal sa kanyang anak kundi maging ang Tito Dave nito, na tumatayo na ring tunay na magulang ni Amanda.

“Thank you for being a sweet and good daughter. I love you so much my Amanda Gabrielle. Tito Dave loves you. We all love you.

Photo credits to the owner

Si Amanda o Mandy ay anak ni Ara sa kanyang dating nakarelasyon na si Patrick Meneses. Ngunit, kahit anak ni Ara si Mandy sa ibang lalaki ay parang tunay na anak na rin ang turing ni Dave dito. At hindi rin naman maikakaila na buong pusong tinanggap ni Amanda si Dave upang maging katuwang sa buhay ng kanyang Mommy Ara. Ngayon nga ay makikita na napakasaya ng kanilang pamilya, isang pamilya na puno ng saya at pagmamahalan.

error: Content is protected !!