Connect with us

Entertainment

Siya Pala Si Twinkle, Ang Napakaganda At Napakaseksing Kapatid Ng Aktres Na Si Kim Chiu Na Isang Flight Attendant

Matapos magwagi bilang Big Winner sa first teen edition ng talent reality show na Pinoy Big Brother, ay pinatunayan nga ng aktres at TV host na si Kim Chiu ang kanyang talento sa pag-arte. Bumuhos ang proyekto sa karera ni Kim, kung saan ang kanyang husay sa pag-arte ay naparangalan. Si Kim ay mula sa prominenteng pamilya sa Cebu na taglay ang kahanga-hangang kagandahan.

Tila nga taglay na ng kanilang pamilya ang magandang lahi. Dahil ang pang-apat sa magkakapatid na si Kim, ay may kapatid ring ubod ng ganda. Ito ng ang kanyang kapatid na si Wendolyn Chiu o mas kilala bilang si Twinkle.

Photo credits: Twinkle Chiu | IG

Photo credits: Twinkle Chiu | IG

Ngunit, hindi tulad ni Kim na nasa mundo ng showbiz, mas pinili ni Twinkle na tuparin ang kanyang mga pangarap bilang Flight Attendant sa Philippine Airlines.

Photo credits: Twinkle Chiu | IG

Talaga namang kahanga-hanga ang taglay na kagandahan ni Twinkle, idagdag pa nga rito ang magandang hubog ng kanyang katawan. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung maraming lalaki ang nagkakagusto at naghahabol sa kanya. Ang ilan pa nga sa mga nalilink sa kanya ay mga sikat na aktor sa showbiz, ngunit pawang mga haka-haka lamang ang mga ito.

Photo credits: Twinkle Chiu | IG

Aktibo sa social media si Twinkle at makikita nga na madalas niyang ibahagi ang kanyang mga magagandang larawan, lalo na ang kanyang mga seksing litrato. Bagay na bagay naman talaga kay Twinkle ang maging isang flight attendant. Mapapansin naman na mahilig pumunta si Twinkle sa beach at magagandang lugar para mag-relaks.

Photo credits: Twinkle Chiu | IG

Samantala, marami naman ang nagpapatunay na magkapatid nga talaga sila ng aktres na si Kim. Mapapansin kasi ang malaking pagkakahawig ng kanilang mga mukha at hindi nga maikakaila na pareho nilang taglay ang kahanga-hangang kagandahan. Bagama’t, taglay ni Twinkle ang artistahing mukha, ay wala naman siyang interes na pumasok sa showbiz. Sa halip nga ay nakatuon ang kanyang atensyon sa pagiging flight attendant at hindi naman maikakaila na masaya siya sa kanyang trabaho.

Photo credits: Twinkle Chiu | IG

Kung sakali mang pasukin ni Twinkle ang mundo ng showbiz, ay nais naman niyang makilala ang kanyang pangalan dahil sa kanyang sariling kakayahan, at hindi dahil sa kapatid siya ni Kim.

Photo credits: Twinkle Chiu | IG

Marami naman ang nagsasabing ang mala-artistahing ganda na taglay ni Twinkle ay nahahawig sa mga sikat na aktres na sina Soleen Huessaff, Christine Reyes at Marian Rivera. Tiyak naman na kapag pinasok ni Twinke ang mundo ng showbiz ay marami ang kanyang magiging tagahanga.

Photo credits: Twinkle Chiu | IG

Sa ngayon ay nag-eenjoy si Twinkle sa landas na kanyang tinatahak bilang isang flight attendant. Ang pagiging isang flight attendant ay matagal na niyang pangarap kung kaya’t masayang-masaya siyang natupad niya ito.

error: Content is protected !!