Siya Pala ang Tagapag Mana at Napakagwapong Apo ni Willie Revillame na si Elijah Palanca

Kilala niyo ba si Meryll Soriano? Siya ang anak ng kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-bec Soriano kay Willie Revillame. Bata palang si Meryll nang makilala na ito sa mundo ng showbiz at kilala bilang isang magaling na aktres na katulad ng kanyang ina.







Sa ngayon, ay hindi na masyado aktibo si Meryll sa paggawa ng pelikula at iba pang aktibidades na pang showbiz. Huli siyang naging parte ng palabas sa ABS-CBN na La Luna Sangre.

Mas ginugugul ngayon ni Meryll ang kanyang oras sa pagaalaga sa kanyang anak na si Elijah Palanca.

Ang batang si Elijah ay naging bunga ng 6 na buwan na pagmamahalan ni Bernard Palanca at Meryl Soriano. Ang dalawa ay ikinasal ngunit naghiwalay din makalipas ang 6 na buwan.

Ngunit kahit hindi kumpleto ang kanilang pamilya, masasabing puno naman siya ng pagmamahal galing sa mga nagmamahal sakanya at isa na dito ay ang kanyang lolo na si Willie Revillame.

Makikita sa mga posts ni Meryll sa Instagram ang madalas na pagsasamasama ng pamilya nila kasama ang lolo niyang si Willie.

Sino ba naman ang hindi makakapagsabi na kaibig-ibig ang batang ito. Bukod sa kanyang kagwapuhan, naibalita rin na siya ay napakatalentado para sa kanyang edad.

Napakaswerte ni Elijah dahil nakakatanggap siya ng lubos-lubos na pagmamahal mula sa kanyang pamilya. Makikita rin na nasusuklian niya lahat ng ito at hindi siya nahihiyang ipakita ito sa publiko. Mula sa mga yakap at halik sa pisngi, masasabing mahal na mahal niya talaga ang kanyang ina.

Kung binabalak ni Elijah na maging aktor tulad ng kanyang ina at ama, napakalaki ang magiging potensyal nito sa mundo ng showbiz dahil sa mga magagandang katangian niya.




Masasabi rin na nasa dugo ng batang ito ang pagiging artista. Ngunit marami ang nakakapagsabi na mas nais ng batang ito ang pagsusulat kesa sa maging parte ng industriya ng showbiz.

Sa kanyang edad, nakagawa na siya ng mga iskrip para sa isang istorya. Maaaring maging isa siyang sikat at dalubhasang manunulat balang araw.

Sa ngayon mas sinusulit ni Meryll ang kanyang oras sa anak na si Elijah kaya mapapansin na hindi masyado nakikita ngayon si Meryll sa television.

Hindi maipagkakaila na ang batang ito ay napakagwapo dahil narin sa magandang kombinasyon ng lahi ni Meryll at ni Bernard. Pero ang mahalaga ay ang batang ito ay masaya sa piling ng mga nagmamahal sakanya at balang araw siguradong madami ang hahanga sakanya hindi lang dahil sa kagwapohan kundi dahil narin sa talentong taglay niya.

Anong masasabi niyo sa napaka poging apo ni Kuya Will? Ibahagi ang inyong opinyon sa artikulo na ito.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *