Connect with us

Stories

“Siya pa ‘yung malakas. Siya ‘yung matapang”: Anthony at Rosell Taberna, Naging Inspirasyon ang Katatagan at Lakas ng Loob ng Kanilang Anak Upang Malabanan ang Malubhang Karamdaman

Hindi madali ang pinagdaanan ng pamilya ng journalist na si Anthony Taberna, at asawa niyang si Rosell Taberna nang maharap sa matinding pagsubok ang kanilang anak laban sa malubhang karamdaman.




Photo Credits: Google.com

Noong Disyembre 2019, nang ma-diagnosed sa sakit na leukemia ang anak nilang si Zoey. Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, ay mas lalong lumakas ang kanilang loob dahil nakikita nila ang katatagan at lakas ng loob ni Zoey upang labanan ang malubhang karamdaman.

Photo Credits: Google.com

Sa programa ni Toni Gonzaga na I Feel U, ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pinagdaanan at kung paano nilang hinangaan ang tatag at tapang ng kanilang anak, sa kabila ng kinakaharap nitong pagsubok laban sa sakit nito.

Photo Credits: Youtube.com 

“Siya pa ‘yung malakas. Siya ‘yung matapang. Siya ‘yung lumalaban. So, nakakahiya naman sa amin bilang mga magulang na sa amin pa makikita ang kahinaan kung ang anak namin is a fighter.”

Pag-amin naman ni Rosell, ay hindi madali noong una, kung paano nila sasabihin sa kanilang anak ang tunay na kondisyon ng kalusugan nito. Ngunit, sa kabila nga ng hirap ng pagsubok na kanilang kinakaharap, ay ginagawa pa rin raw nila ni Ka Tunying ang lahat para mapasaya ang kanilang anak.

Photo Credits: Youtube.com 

“Pag nasa harap kami ni Zoe, alam mo naman si Ka Tunying, very jolly, so ‘yun lang pinapakita namin sa kanya, gano’n lang namin pinapakita sa kanya. Pero kaming dalawa, hindi namin alam kung paano ipu-put together.”




Samantala, kwento pa ni Rosell bilang isang magulang, ay dumating rin umano ang puntong sinisi niya ang kanyang sarili, dahil hindi man lang niya nalaman agad ang karamdaman ng kanyang anak. Ayon nga kay Rosell, ay tila hindi niya nabigyan ng atensyon ang anak kung kaya’t hindi niya nalaman ang kondisyon nito.

Photo Credits: Google.com

“Inisip ko, ano bang nagawa mo bilang magulang, masyado ka bang okupado sa mga anak mo? Of course, may ganoong feeling as a mother. Nagkaroon ng time talaga sinisisi ko ‘yung sarili ko. Dapat alam ko ‘yung condition ng anak ko.”

Bagama’t, mahirap tanggapin ang kondisyon ng kanilang anak noong una, ay nanatili silang matatag. At dahil nga dito, ay mas lalo pa silang naging malapit sa isa’t isa bilang pamilya. Magkasama nga nilang hinarap ang matinding hamon ng buhay na ito ng walang takot.

Photo Credits: Google.com

“Mas closer kami ngayon at naiintidihan namin ang isa’t isa ngayong mas maraming dumadating na problema. Kasi sabi nga, masusubok mo ‘yung character ng isang tao kung dinadaan ka ng bagyo, eh,”pahayag ni Ka Tunying.

Hindi lamang nga ang kanilang pamilya ang naging malapit sa isa’t isa, kundi nasubok rin ang kanilang pananampalataya sa Diyos dahilan nga upang mapalapit sila. Sa pagharap ni Zoey at ng kanilang pamilya sa malubha nitong karamdaman, ay mas lalo silang naging malapit sa Diyos.

Photo Credits: Google.com

“Financially, career-wise, ang hanap-buhay, maayos naman. May tendency kasi ang tao, kapag wala siyang problema, may napapabayaan na kala mo kaya mo na lahat. Pero nung nangyari itong kay Zoey, parang pinaalala sa amin ng Panginoong Diyos na, ‘Huy! Lalo kayong lumapit sa Akin.”




At ngayon nga, ay talagang naging matatag na ang kanilang pamilya anumang pagsubok ang dumating. Dahil sa araw-araw, may problem man o wala, ay magkakasama ang kanilang pamilya sa pagdarasal.

Photo Credits: Google.com

“Ayaw Niya lumayo ka sa Kanya, so ‘yung problema na pinagdaanan namin ‘yun ‘yung ginamit Niya para lumapit kami sa Kanya. Ayun, naging normal na na araw-araw nagpe-pray kami as a family.

error: Content is protected !!