Connect with us

Entertainment

Siya Ang Napakagandang Si Jana Roxas, Ang Girlfriend Ng Aktor Na Si Ejay Falcon

Sa taglay na kagwapuhan at makisig na pangangatawan ng aktor na si Ejay Falcon, ay bagay na bagay sa kanya ang isang napakagandang dilag. At tila naman nahanap na ni Ejay ang babaeng hindi lamang babagay sa kanyang kagwapuhan, kundi siya ring magbibigay saya at kulay sa kanyang puso.

Photo credits to the owner

Ang mapalad na babaeng nagpatibok sa puso ng gwapong aktor, ay walang iba kundi ang napakagandang si Jana Roxas. Hindi lamang maganda ang talaga kundi napakaseksi rin. Marami nga ang nagsasabing bagay na bagay talaga sila sa isa’t isa.

Photo credits to the owner

Makikita naman sa mga larawang kanilang ibinahagi sa social media, na mahal na mahal nga nila ang isa’t isa. Ubod ng kasweetan ang kanilang mga kuha ng larawan, na siyang nagbibigay kilig sa kanilang mga tagahanga. At tulad ng napakagwapong si Ejay, ay mala-aristahin rin ang dating ng taglay na kagandahan ni Jana. Sa mga hindi nakakaalam, si Jana ay naging contestant sa reality talent competition ng GMA Network na StarStruck, kaya naman hindi na nakapagtataka kung taglay niya ang mala-artistahing kagandahan.

Photo credits to the owner

Ngunit, paano nga ba nagsimula ang kanilang matamis na pag-iibigan? Nakakatuwa at talaga namang nakakakilig ang kwento kung paano sila nagkakilala. Minsan nang naikwento ni Ejay na nagkakilala sila ni Jana sa isang housewarming event sa Pansol, Laguna matapos makatanggap ng imbitasyon ang aktor mula sa kanyang kaibigan. Ngunit, lingid sa kaalaman ng aktor, ay si Jana pala mismo ang may-ari ng bahay na kanyang pinuntahan.

Photo credits to the owner

At magmula nga noon ay hindi na nila pinakawalan pa ang isa’t isa. Sa isang panayam naman kay Boy Abunda, ay inamin ni Ejay na si Jana na ang babaeng nais niyang makasama habang buhay. Ayon nga sa aktor, ang kanyang kasintahan na si Jana ang kanyang soulmate at naniniwala rin siya na ito na nga ang babaeng inilaan sa kanya ng tadhana.

Photo credits to the owner

Si Ejay ay isa sa pinakasikat na aktor sa industriya ng showbiz sa bansa. Wala naman itong duda, dahil bukod sa taglay niyang kagwapuhan at makisig na pangangatawan, ay kahanga-hanga rin ang kanyang husay pagdating sa pag-arte. Sa katunayan nga nito, ay walang inaatrasang role si Ejay, mapa-action man o drama, ay talagang nangingibabaw ang kanyang husay at talento.

Photo credits to the owner

Unang nakilala si Ejay sa industriya ng showbiz matapos magwaging Big Winner sa reality competition ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother sa teen edition plus nito noong 2008. Siya nga ang binansagang “Promdi Hottie of Mindoro” sa Bahay ni Kuya, kung saan sa kanyang pagpasok sa bahay bilang housemate ay agad niyang nabihag ang atensyon ng publiko suot ang kanyang Tarzan costume.

error: Content is protected !!