Connect with us

Entertainment

Sitti Navarro, Matagumpay na Nalampasan ang Hamon ng Pagkakaroon ng PCOS at APAS, Masayang Inanunsiyo ang “Miracle” Baby Nila ng Kanyang Non-showbiz Husband

Isang patunay ang mahusay na singer na si Sitti Navarro na may milagro sa tunay na buhay. Ito nga ay matapos ianunsiyo ng singer ang isang magandang balita sa Instagram na siya ay buntis sa kanilang pangalawang anak ng kanyang non-showbiz husband na si Joey Ramirez.

Tinawag namang “miracle” baby ang sanggol na nasa sinapupunan ni Sitti na ayon sa kanya ay isisilang niya sa darating na Oktubre. Isa nga itong miracle baby dahil hirap magbuntis ang si Sitti matapos ma-diagnosed na may polycystic ovary syndrome (PCOS) at antiphospholipid syndrome (APAS).

Photo credits: Sitti Navarro | IG

At dahil nga matagumpay niyang nalampasan ang hamon na dulot ng pagkakaroon ng PCOS at APAS, sa pangalawang pagkakataon ay biniyayaan sila ng Diyos ng isang sa kanilang pagsasama.

Sa Instagram nito lamang ika-17 ng Abril, araw ng Sabado nang ipaabot ng singer sa publiko ang labis na kaligayahan sa bagong biyaya na kanilang natanggap.

Photo credits: Sitti Navarro | IG

Isang larawan ang ibinahagi ng Bossa Nova singer at base sa mababasa rito na “Ate na si Lilibubs! Coming October 2021”, ngayon nga ay 3 months preggy sa kanyang 2nd baby. Makikita na nasa pool ang mag-asawang Sitti at Joey kasama ang kanilang panganay na anak na si Lily. Mapapansin naman na nakaumbok na ang baby bump ni Sitti sa suot niyang swim suit.

Nilakipan naman ito ng caption na:

“Our pasalubong from Bacolod. Our surprise gift from the Lord. I have PCOS and APAS; conceiving is not the easiest. Thank You Jesus for entrusting us with another miracle.”

May kasama ring Bible verse ang kanyang post naang mga munting sanggol ay biyayang ipinagkaloob ng Diyos.

“Children are a gift from the LORD; they are a reward from him. Psalm127:3

Photo credits: Sitti Navarro | IG

Taong 2015 nang maikasal sina Sitti at Joey sa isang sagradong seremonya. At matapos ang tatlong taon ay biniyayaan sila ng isang anak. Siya si Issiah Dañelle o kilala rin sa tawag na Lily na isinilang ni Sitti noong Nobyembre 2018, at magtatatlong taong gulang na nga ngayong taon.

Photo credits: Sitti Navarro | IG

Si Sitti Navarro is ay kilala sa mgaoriginal at cover ng Bossa Nova hits kanilang na rito ang “Para Sa Akin,” “Tattooed on my mind,” “Hey Look at the Sun,” and “I Didn’t Know I Was Looking for Love,” at marami pang iba.

error: Content is protected !!