Connect with us

Entertainment

Singing Champion Zephanie Dimaranan, Ipinakita ang kanyang Kahanga-hangang New Look sa kanyang 18th Birthday

Mula nang magwagi bilang Champion sa first season ng “Idol Philippines” noong 2019, ay marami na ang pinahanga ng singer na si Zephanie Dimaranan. Ang angking husay ng tubong Biñan, Laguna, ay talagang ipinamalas niya sa naturang patimpalak. Kaya naman, hindi maitatanggi na ang kanyang husay sa pag-awit ay kinabibiliban ng marami.




Mas lalo namang nakilala si Zephanie nang maging bahagi ng J.E.Z. na mapapanood sa ASAP kasama ang mahuhusay na singer na sina Elha Nympha at Janine Berdin. Kabilang rin si Zephanie sa Ultimate Vocal Showdown na matutunghayan naman sa Sunday Noontime Live!.

Samantala, nito ika-14 ng Pebrero, araw ng Linggo, ay masayang ipinagdiwang ni Zephanie ang kanyang 18th birthday. At sa espesyal na araw na ito ng young singer, ay isang surpresa ang handog niya sa kanyang mga tagahanga. Ito nga ang mga kahanga-hangang larawang kanyang ibinahagi sa Instagram.

Makikita sa mga larawan ang kanyang new look na talaga namang napakaganda at bagay na bagay sa kanya. Kapansin-pansin rin sa bawat post ni Zephanie, ang mga caption na may kinalaman sa kanyang transformation. Tila nga, dalagang-dalaga na ang singer sa kanyang awra, at masasabi na matured na siyang tingnan sa bawat larawan.

“Kung bukas hindi mo na ako kilala, huwag kang manalamin.”

Gumamit rin ang singer ng hashtag na #ZephanieShiningAt18, sa bawat post kung saan makikita ang singer suot ang iba’t ibang klaseng damit na bumagay sa kanyang awra.




Talaga nga namang kahanga-hanga hindi lamang ang talento ni Zephanie sa pag-awit, kundi maging ang kanyang napakagandang awra, na ngayon nga ay isa nang ganap na dalaga.

Samantala, kamakailan rin lamang nang irelease ang bago niyang single na pinamagatang “Pasensya Na” sa ilalim CS Music.

Ibinahagi naman si Zephanie, ang detalye ng kanyang new single nang makapanayam sa Facebook Live interview ng MYX noong nakaraang Huwebes.

“Itong song na ito ay about kaibigan na nagmamahal sa isang kaibigan pero hindi niya maamin kasi natatakot siyang masira ang pagkakaibigan nila. So mas pipiliin niya na lang lumayo kasi hindi niya masabi.”

“Alam ko na marami ang nakaka-relate kasi parang malaki ang chance na magkagusto tayo, ‘di natin namamalayan na nagkakagusto tayo sa kaibigan natin, sa best friend natin.”

Ang nasabing single ni Zephanie, ay kasunod ng natagumpay niya ring hugot song na kanyang inawit na may pamagat na “Sabihin Mo Na Lang Kasi” ng Star Music.

error: Content is protected !!