Connect with us

Lifestyle

Singer na si Yeng Constantino, Ibinahagi ang kanyang Pag-Harvest ng mga Gulay sa kanyang Munting Hardin

Ang singer na si Yeng Constantino ay isa sa tinitingala at hinahangaang mahusay na mang-aawit sa bansa. Dahil nga, sa kanyang husay sa pag-awit ay marami na siyang mga kantang pinasikat, kung saan ay talagang hahangaan ang kanyang magandang tinig.

Ngunit, sa pagdating ng pandemya sa bansa ay isa si Yeng sa mga naapektuhan nito kung saan ay humina ang mga proyekto sa kanyang karera. At bilang pagsunod sa ipinatupad na quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, ay nananatili na lamang siya sa loob ng kanilang tahanan.




Habang sumasailalim sa quarantine, ay naisip ni Yeng na ituon na lamang ang pansin at oras sa mga bagay na kapaki-pakinabang katulad na lamang ng pagtatanim ng gulay sa kanyang hardin. Ang pagtatanim nga ng mga masusustansiyang gulay ang naging libangan ni Yeng upang huwag mabagot sa pananatili sa kanilang tahanan.

Noong May 27, ang pangalawang beses na ipinasilip ni Yeng sa kanyang vlog ang kanyang mga pananim ng iba’t ibang klaseng gulay sa kanyang hardin. Ito nga ay 80 days na niyang itinanim magmula nang mag-anunsyo ng lockdown ang gobyerno noong March.

Masayang inilibot ni Yeng ang kanyang mga followers sa kanyang vegetable garden. Ipinakita ni Yeng ang bawat puno ng mga pananim na kung saan ang ilan sa mga ito ay may bunga na at ang ilan naman ay nagsisimula nang mamulaklak.

Ayon naman sa singer, dahil nga marami silang itinanim na mga buto ng gulay, ay halos linggo-linggo na silang nag-aani ng okra at talong. Samantala, ipinakita rin ni Yeng ang mga recycled materials tulad ng galon na kung saan ay ginawang taniman ng gulay.

Ilan nga sa mga pananim na gulay sa kanyang munting hardin ay talong, okra, kamatis, kamote at kangkong. Maliban naman sa mga gulay, ay may iba pang pananim na matatagpuan rito tulad ng papata, bayabas, at kalamansi.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube Channel

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube Channel

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube Channel




Photo credits: Yeng Constantino | Youtube Channel

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube Channel

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube Channel

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube Channel

Matapos naman ipakita ang mga pananim sa kanyang hardin, ay nagsimula nang mag-harvest ang singer. At ilan nga sa kanyang mga na-harvest na gulay ay okra, talong, talbos ng kamote at kangkong.




Photo credits: Yeng Constantino | Youtube Channel

Sa huli, ay hinikayat naman ni Yeng ang kanyang mga tagahanga na magsimula na ring magtanim at magpalago ng mga pananim na gulay sa kanilang tahanan habang sumasailalim sa quarantine.
Malaking tulong naman talaga ang pagkakaroon ng pananim na gulay sa tahanan upang mapagkunan ng pangangailangan sa araw-araw ngayong panahon ng krisis.

error: Content is protected !!