Connect with us

Entertainment

Singer na si Morissette Amon, Ipinasilip ang Napakagandang Bahay na Kanyang Naipundar Para sa Kanyang Pamilya na Bunga ng Kanyang Pagsisikap

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng Kapamilya singer na si Morissette Amon, bago niya makamit ang tinatamasang tagumpay sa kanyang karera ngayon. Kaya naman kahit mahirap ay talagang nagsumikap siya. At sa loob nga ng isang dekadang pagsusumikap sa industriya ng showbiz, kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento, ay nakapagpundar siya ng isang napakagandang bahay para sa kanyang pamilya.




Kamakailan nga, bagamat nag-aatubiling ipasilip sa publiko ang kanyang ipinatayong bahay, ay nagpasya parin ang singer na ipasilip sa kanyang mga tagahanga ang bahay na bunga ng kanyang pagsisikap.

Photo credits: Morissette Amon | Instagram

Photo credits: Morissette Amon | Instagram

Photo credits: Morissette Amon | Instagram

“[To be honest], I hesitated sharing about this before because I wanted to keep it private, but I also realized how hard my family and I worked for this to happen.”

Photo credits: Morissette Amon | Instagram

Sa pamamagitan ng kanyang bagong music video na mapapanood sa kanyang YouTube channel, ipinasilip ni Morissette ang napakagandang bahay na kanyang naipundar. Sa music video, makikita na inaawit ni Morissette ang sikat na awitin ni Demi Lovato na “Tell Me You Love Me”.At habang inaawit nga ito ni Morissette, ipinapakita naman ng singer ang bawat sulok ng kanyang tahanan na ayon sa kanya ay natapos lamang nitong lumipas na taon.

Photo credits: Morissette Amon | youtube

“My latest cover up on www.youtube.com/MorissettePh (and last upload for the year) was shot at my newly built house that I wanted to have for my family that was finally accomplished this year.”




Pagbabahagi naman ng singer, ay hindi madali ang kanyang pinagdaanan ngunit sa kabila nito ay nagpasya parin siyang ituloy at tapusin ang pagpapagawa ng bahay na para sa kanyang pamilya na walang sawang sumusuporta sa kanya sa loob ng isang dekada.

“Despite everything that’s going on, I decided to finish our dream house in honor of my family and how they’ve supported me in my career for about a decade.”

Photo credits: Morissette Amon | youtube

Samanatala, ibinahagi ng singer na bago niya marating ang kinatatayuan ngayon, ay matinding hirap ang kanyang pinagdaanan at ang lahat ng ito, ay hindi niya agad nakamit ng isang tulugan lng.

“My 10 years in the industry wasn’t an easy ride, and all that I have now definitely didn’t happen overnight. I guess I just also wanted to share this to remind everyone that if we want something to happen, we really gotta work hard for it, also because “Nothing worth having comes easy.”

Photo credits: Morissette Amon | youtube

Binigyang-diin naman ni Morissette na sa kabila ng hirap sa pag-abot ng tagumpay, ay mahalaga parin na ienjoy lamang ang masayang karanasan at buhay.

“But don’t forget to also experience and enjoy life while you’re at it.. It’s all about balance, patience, determination, and faith.”

Samantala, sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa singer kung kailangan lilipat ang kanyang pamilya sa bago at napakagandang bahay na kanyang ipinatayo na bunga ng kangyang pagsisikap.

error: Content is protected !!