Connect with us

Entertainment

Singer na si Morissette Amon, Inamin na Hindi pa Nagkakausap ang Kanyang Pamilya Upang Maayos ang Gusot sa Pagitan Nila

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang isyu sa pagitan ng singer na si Morissette Amon, at kanyang pamilya. Ito nga ay dahil sa pagtutol ng pamilya ni Morissette, lalo na ang kanyang ama na si Amay Amon sa relasyon niya sa kanyang fiancee na si Dave Lamar.

Naging saksi rin ang publiko sa kontrobersyal na away nilang mag-ama, na umabot pa nga sa pag-alis ni Morissette sa bahay ng kanilang pamilya at sumama sa kanyang fiancee na ngayong si Dave. Matatandaan na noong Setyembre 2020 nang maengage ang dalawa sa isa’t isa. Dahil sa sa pag-ibig nila sa isa’t isa, gaano man katutol ang pamilya ni Morissette sa kanilang relasyon ay hindi ito nahadlangan ang kanilang pagmamahalan.

Sa naging panayam sa singer sa programang “I Feel U”, ay ipinahayag ni Morissette ang kanyang saloobin patungkol sa isyu. Naitanong nga ng host na si Toni Gonzaga, kung kamusta na ang relasyon ng singer sa kanyang pamilya.

Pag-amin ng singer ay hindi parin sila nag-uusap ng kanyang pamilya at patuloy ang kanyang pagdarasal na sana ay maging maayos na ang gusot sa pagitan nila ng kanyang pamilya.

“Okay naman po sila. To be honest, hindi pa rin kami nakakapag-usap. But I’m just continuing to pray for the healing of our relationship, our family.”

Bagama’t, nahihirapan si Morissette sa sitwasyon nila ngayon ng kanyang pamilya, ay malaki naman ang ipinagpapasalamat niya sa kanyang fiancee dahil hindi niya lamang ito partner sa kanyang buhay, kundi katuwang rin niya sa kanyang karera.

“Masaya (maging engaged), exciting. Ako, I am just also very grateful and blessed na ang aking fiancé po is yung mismong tao na nagpu-push sa akin and tumutulong sa aking new music na nilalabas. Editing, coloring, ilaw, siya po lahat naghe-help sa akin.”

“Hindi lang siya partner sa akin sa personal life ko. He’s really helping me out sa career ko rin as well.”

Samantala, ibinahagi rin ni Morissette ang kanyang journey bilang isang mahusay na performer matapos niyang matalo sa “The Voice”. Ayon nga sa singer, bagama’t masakit ay kailangan niyang tanggapin ang pagkatalo sa kabila ng pagnanais niyang maabot ang kanyang goal.

Matapos naman ng kabiguang ito, ay napakapalad naman ni Morissette dahil maraming biyaya at opportunities ang dumating sa kanyang buhay. At ngayon nga, ay nalalapit ng ipagdiwang ni Morissette ang kanyang 10th anniversary sa industriya bilang mahusay na mang-aawit.

“I think it’s because marami pa rin po kasing naniniwala po sa akin, marami pa ring dumating na opportunities even when I didn’t win the competition.”

“For me, meron pa rin namang chance siguro. I wanted to be an example also with others as well na kahit hindi manalo sa isang competition ay pwede pa rin talagang ituloy ang dream mo.”

error: Content is protected !!