Connect with us

Entertainment

Singer na si Lyca Gairanod, Sinurpresa Ang Kanyang Lola ng Isang Masayang Selebrasyon sa Pagdiriwang nito ng ika-86 Taong Kaarawan

Muli na naman ngang pinatunayan ng mahusay na singer na si Lyca Gairanod ang kanyang pagiging isang mabuti at mapagmahal na apo sa kanyang Lola. Madalas ibahagi ni Lyca sa kanyang mga vlog, kung gaano siya kalapit sa kanyang lola at kung gaano niya ito kamahal.

Dahil nga lumaki si Lyca sa piling ng kanyang Lola ay hindi maikakaila, na palagi itong nasa isip ng young singer. At kamakailan lamang sa pagdiriwang ng ika-86 taong kaarawan ng kanyang Lola, ay hindi pinalampas ni Lyca ang pagkakataong mabigyan ito ng surpresa.




Sa latest vlog ni Lyca, ipinasilip niya ang simple ngunit masayang selebrasyon ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang Lola. Sa unang bahagi ng video, ipinaliwanag ni Lyca na hindi niya gaanong napaghandaan ang espesyal na araw ng kanyang Lola. Ngunit, bago pa man matapos ang araw ay may inihandang surpresa ang singer para sa kanyang lola.

Sa video mapapanood na kasama ni Lyca ang kanyang kapatid, ay nagtungo muna sila sa bilihan ng cake upang bumili ng cake para sa kanyang lola.

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

Matapos mabili ang cake na bagay sa kanyang lola, ay bumili naman siya ng isang dress. Ayon kay Lyca, ay binilhan niya ng dress ang kanyang lola upang maging mas maganda ito sa espesyal na pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

Photo credits: Lyca Gairanod | IG




At nang makauwi na sa kanilang tahanan upang surpresahin ang kanyang lola, ay ganun na lamang nga ang saya at pagkagulat nito nang makitang may dala-dalang cake si Lyca, habang ang lahat ay kumakanta ng Happy Birthday. Sa pag-ihip naman ng kanyang lola sa nakasinding kandila sa cake, ay isa lamang ang kahilingan nito. Ito nga ay ang maabotan at maalagaan pa ang kanyang mga susunod na apo.

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

Hindi nga matumbasan ang sayang makikita sa mukha ng lola ni Lyca dahil sa labis na pasasalamat sa inihandang regalo at surpresa para sa kanya. Simple man ang naging selebrasyon, ay puno naman ng kaligayahan ang bawat isa, dahil napasaya nila ang kanilang lola na ngayon nga ay 86 taong gulang na.

Photo credits: Lyca Gairanod | IG

Samantala, nagbigay rin si Lyca ng kahilingan para sa kanyang lola. Ayon nga sa singer, ang talagang nais niya para sa kanyang lola ay humaba pa ang panahon na makasama nila ito. Na nawa’y maging malakas pa ito upang matagal pa nila itong makasama.

Simple man ang buhay ni Lyca kasama ang kanyang pamilya, ay hindi naman matatawaran ang kaligayahan ng kanilang pamilya dahil magkakasama nilang hinaharap ang anumang hamon ng buhay. At sa tuwing may okasyon nga, ay talagang sama-sama nila itong ipinagdiriwang kung saan makikita ang pagmamahal sa isa’t isa.

error: Content is protected !!