Singer Na Si Aicelle Santos ‘Ikinasal Na’ Sa Newscaster Na Si Mark Zambrano

Pangarap ng isang babae na lumakad na nakasuot ng white gown habang lumalakad patungo sa harapan ng altar habang hinihintay ng lalaking magiging kasama niya sa habang buhay. Tunay na ito ang isa sa pinaka-espesyal na pangyayari na magtatali sa dalawang magka-ibang tao upang pagsamahin bilang isa ng MayKapal.



Kamakailan lang ay ikinasal na ang singer na si Aicelle Anne Coronel Santos sa mamahayag na si Mark Zambrano. Matatandaang taong 2016 ng magsimula ang pag-iibigan nila at noong taong 2018 naman ay nagawa ng magpropose ang mamahayag sa singer-songwriter.

Photo credits: edwin tan | Instagram

Samantala, maraming netizen at mga tagahanga ng dalawa ang nagulat sa pagpapakasal nila Aicelle at Mark dahil hayag man sa publiko ang naging kanilang engagement pero hindi nila ipinaalam ang magiging mga plano sa kanilang kasal naging lihim din kung kailan ito mangyayari.

Sa kabilang banda, naging daan upang malaman na kasal na ang 34 na taong gulang na Kapuso Artist at ang 42 na taong gulang na newscaster ng ibahagi ng showbiz reporter na si Cata Tibayan ang mga larawan kung saan makikita ang dalawa habang ikinakasal.

Samantala, nagbahagi din ng larawan ang fashion designer na si Edwin Tan na siya ring personal na gumawa ng white gown na isinuot ni Aicelle sa natatanging event. Ilang larawan din ng mga bagong kasal ang ibinahagi ng Nice Print Photo na official na kumuha ng larawan sa nasabing okasyon.



Samantala, ang once in a lifetime event ng newly wed couple ay ginanap sa El Jardin de Zaida sa San Juan, Batangas na dinaluhan ng mga pamilya, mga kasamahan sa trabaho at malalapit na kaibigan.

Ibinahagi naman ni Aicelle sa kanyang Instagram account ang larawan nila ni Mark kung saan makikitang naghahalikan sila na nilagyan pa niya ng caption na,

“God’s promise 🤵❤️👰
Still in awe of the beautiful day that was 🙏
You are amazing God 🙌 #AiMarkWedding #MrsZambrano“.

Nagpaabot naman ng mga mensahe at pagbati ang malalapit na kaibigan, mga kasamahan sa trabaho at maging ang mga tagahanga nila,

“rodjuncruz Woot wohoo!!!! Congrats ate A &Brother @markzambrano 😍❤️ 🎉 🙏 God bless you both always”,
“jannolategibbs Congrats @aicellesantos ❤️”,
“xtianbautista A blessed sunny and lovely weddjng ❤️”,
“iamglaiza05 Mabuhay ang bagong kasal! Congratulations Mrs. Zambrano!!! ❤️”,
“manyo_romera So happy for you ate @aiecellesantos fan of yours here. Best wishes to both of you, God bless 👏👏👏“.



Ngayon ay haharapin na nila Aicelle at Mark ang bagong yugto ng kanilang buhay na masasabing isang regalo mula sa Maykapal.

Congratulations Mr.&Mrs.Zambrano!!!