Connect with us

Stories

Singer At Komedyanteng si Gladys Guevarra, Naging Emosyunal Matapos Umanong Itakbo ng Kanyang Partner ang Pera sa kanyang Negosyo

“Tiwala”, ito ang bagay na napakahirap ibigay at napakahirap rin ibalik kapag nawala. Ngunit, kapag mga mahal natin sa buhay ang taong pagkakatiwalaan ay agad nating ipinagkakaloob ang ating buong pagtitiwala.

Hindi nga halos makapaniwala ang singer at komedyanteng si Gladys Guevarra matapos umanong tangayin at itakbo ng kanyang partner ang kanyang pera sa negosyo.




Araw ng Martes, unang araw ng Setyembre, nang magpost si Gladys sa kanyang Facebook account ng paghingi ng paumanhin sa kanyang mga customers, matapos niyang kanselahin ang mga orders nitong kakanin sa kanyang negosyo dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Upang linawin nga ang problemang kinakaharap ng komedyante, kinabukasan ay agad siyang nag-live sa Facebook upang maipaliwanag sa kanyang mga customers ang nangyari.

Ayon nga kay Gladys, ay nagkaroon umano sila ng hindi pagkakaunawan ng kanyang partner na si Leon na kung saan ay nauwi sa matinding pagtatalo, na nagdulot ng kanilang paghihiwalay.

Dahil nga umano sa labis na pagtitiwala ni Gladys kay Leon, sa kadahilanang partner naman niya ito, ay bank accounts at Gcash nito ang kanyang ginamit sa mga transactions ng kanyang negosyo at dito nga pumapasok ang lahat ng bayad ng mga customer.

“Ito pong hindi inaasahang kadahilanan ay medyo hindi kami nagkaroon ng magandang pag-uusap from last night, hindi kami nagkaunawaan, hindi kami nagkaintindihan,” ani Gladys. “Dumating po kami sa puntong, okay, fine, hiwalay na po kami today. Wala na po kami today.”




Ngunit, hindi akalain ni Gladys na itatakbo nito ang pera ng kanyang negosyo. Hindi na nga napigilan ng komedyante ang maging emosyunal at maiyak sa sinapit niyang ito na kagagawan ng kanyang ex-partner. Matapos naman ng kanilang hiwalayan, ay sinikap naman ni Gladys nabawi ang pera upang hindi masira ang kanyang pangalan. Mabuti na lamang at nabawi niya ang ilan sa mga bayad ng customers ngunit may naiwan pang pera sa account nito at ayaw na umano nitong ibigay dahil hindi na ito sumasagot sa mga tawag niya.

“Some of it tinakbo na talaga dahil ayaw nang sumagot ngayon, ayaw nang ibigay, ayaw nang sumagot ng tawag.”

At ngayon nga, bagama’t hawak na ni Gladys ang ilan sa perang bayad ng mga customer, ay nahihirapan umano siyang i-refund ito dahil sinira rin ni Leon ang record ng business transactions sa kanyang computer.

Hindi naman hinayaan ng komedyante ng hindi maibalik ang pera ng mga customer. At kasabay nga ng pagtigil niya sa pagtanggap ng mga orders ay tiniyak rin niya na maibabalik niya ang perang naibayad na sa kanya ng mga customer sa abot ng kanyang makakaya.

Samantala, may mensahe namang ipinaabot si Gladys sa kanyang ex-partner na tinawag niyang ‘walang kwentang tao’.

“Bawat kibot sa ‘yo pera. “Grabe ‘tong ginawa mo sa akin, Leon, grabe.”

Posted by Gladys Chuchay Guevarra on Wednesday, 2 September 2020

error: Content is protected !!