Stories
Singer-Actress Vina Morales, Nagtangkang Habolin ang Tumangay ng Kanyang Cellphone Habang Lulan ng kanyang Sasakyan sa EDSA

Sa pagluwag ng kalagayan sa Metro Manila kamakailan na kung saan ay ginawa na itong General Community Quarantine, at nagbalik trabaho na ang ilang celebrities, ay tila naman nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga masasamang loob na makapanglamang sa kapwa. Tila nga, nag-aantay lamang ang mga masasamang loob ng kanilang magiging biktima.
At nito lamang ngang ika-2 ng Oktubre, ay nabiktima ng snatcher ang aktres at singer na si Vina Morales. Ang aktres nga ay natangayan ng cellphone habang lulan ng kanyang sasakyan sa kahabaan ng EDSA. Ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa kanya, kaya naman, halos matrauma siya sa nangyari at nagtangka pang habulin ang humablot sa kanyang telepono.
Sa Instagram, ibinahagi ni Vina ang kanyang hindi makakalimutang karanasan sa buhay niya. Ayon nga sa singer-actress, habang lulan siya ng kanyang sasakyan sa kahabaan ng EDSA, at ginagamit ang cellphone sa loob ng sasakyan, ay may bigla na lang umanong humablot sa kanyang cellphone.
Dagdag pa ni Vina, ay naiwan niya umanong bukas ang bintana ng sasakyan. Nangyari nga ito sa tapat ng Phoenix Gasoline Station. At ang una niyang ginawa ay hinabol niya ang snatcher na humablot ng kanyang cellphone. Hanggang sa dumating na nga ang mga pulis upang rumesponde sa naturang insidente.
At matapos ang insidente, ay inimbitahan si Vina sa presinto upang mag-file ng report. Ngunit, mas pinili ni Vina na huwag ng magtungo sa presinto at magsampa ng reklamo, dahil na rin sa kumakalat na sakit na COVID at bilang pag-iingat na rin na makasalamuha pa ang ibang tao.
Samantala, pinasalamatan naman ni Vina ang mga taong agad na tumulong sa kanya at rumesponde sa oras ng insidente. Nag-iwan rin siya ng mensahe sa publiko na maging mapagmatyag sa paligid at mag-ingat, lalo na ngayong dumadarami ang masasamang loob. Sa huli, ay ipinagpasa-Diyos na lamang ng aktres ang ginawa ng snatcher sa kanya.
Narito ang mahabang salaysay ni Vina sa pangyayari sa kanyang Instagram:
“Ngayon ko lang po naranasan eto, may nag-snatch ng phone ko sa loob ng kotse ko habang gamit ko po, naiwan ko pong bukas ang window habang nasa EDSA, tapat po ng Phoenix Gasoline Station, reaction ko po ay hinabol ko, meron po akong nakita na tao sabi may alam po siya, biglang may mga pulis na dumating at tinangay yung tao…Nakausap ko po si LT. Alvin Bagat at pinapapunta po ako sng presinto para mag report, sabi ko wag na lang po kasi po may COVID. Telepono lang naman yun pero nalulungkot ako kasi bakit may mga ganung tao. Salamat po sa mga tao na tumulong sa akin. Etong message ko just letting you know na mag ingat po tayo. Bahala na lang po ang Diyos sa kanya.”
View this post on Instagram
Ngayon nga na nasa gitna ng krisis ang karamihan dulot ng pandemya, ay dumarami rin ang mga masasamang-loob na gumagawa ng masama sa kapwa. Kaya naman, mas higit na kailangan nating mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa atin. Dahil ang ilan sa kanila, ay nag-aantay lang ng pagkakataon na makakita ng kanilang biktima.
