Connect with us

Entertainment

Singer-Actress na si Vina Morales, Proud Mommy sa Kanyang Anak na si Ceana Na Nakapagtapos na ng Elementarya

Sa bawat milestone ng ating mga anak, ay nakasubaybay tayong mga magulang. At ang mga mahahalagang kaganapan nga sa kanilang buhay ay hindi natin pinapalampas. Kabilang na nga rito ang kanilang mga nakakamit na achievements sa kanilang pag-aaral.

Credits: Vina Morales | Instagram

Ang pag-aaral nga ay talagang napakahalaga dahil ito ang pagsisimula ng mga hakbang patungo sa pag-abot ng mga pangarap. Kaya naman, ang singer-actress na si Vina Morales ay proud na proud sa nakamit na tagumpay ng kanyang unica hija na si Ceana sa pagtatapos nito sa elementarya.

Labis ang kagalakan ni Vina na kung saan nga ay isang proud mommy sa nakamit na tagumpay ng kanyang anak. At nito lamang ika-15 ng Agosto, ay masaya at proud niyang ibinahagi sa social media ang nakamit na tagumpay sa milestone ng kanyang anak.

Credits: Vina Morales | Instagram

Makikita sa series of photos na ibinahagi ni Vina sa Instagram ang larawan nilang mag-ina. Ang kanyang anak na si Ceana ay makikitang nakasuot ng puting toga habang hawak ang kanyang diploma. Si Vina naman ay makikita ang masayang ngiti sa kanyang mukha at talagang proud na proud sa bagong achievement ng kanyang anak. Mababakas naman sa mensahe ni Vina sa kanyang post ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na ang tanging hangad ay ikabubuti nito.

“Happy graduation anak @ceana_ml. I am very proud of you anak, you are entering Junior High now. As your mother, I am the happiest. Wishing you a very bright future. Always thankful to God for giving you in my life. I am the luckiest coz you have such a kind heart. I know that you will have a great future ahead of you. Never stop learning and always give your best. I love you anak.”

Credits: Vina Morales | Instagram

Si Ceana ay nagtapos ng elementarya sa Victory Christian International School. At sa panibagong milestone ni Ceana, ay haharapin na naman niya ang hamon ng pag-aaral bilang isang estudyante sa kanyang pagpasok sa Junior High. Ang unica hija at napakagandang anak ni Vina na si Ceana, ay anak niya sa kanyang dating boyfriend na si Cedric Lee.

Ang relasyon nina Vina at Cedric ay hindi rin nagtagal at nauwi nga sa hiwalayan. Dahil dito, ay naging isang single mom si Vina, at mag-isang itinaguyod ang kanyang anak na si Ceana.

Matatandaan sa isang panayam kay Vina sa programang Magandang Buhay noong Pebrero, ay ibinahagi ng aktres ang tungkol sa kanyang pagiging single mom. At bilang isang single mom, ay ipinagmamalaki ni Vina ang kanyang sarili lalo na nga’t lumaking isang mabuting bata ang kanyang anak.

Credits: Vina Morales | Instagram

“Proud ako sa sarili ko. Pinagmamalaki ko kasi lumalaki ‘yung anak ko nang mabuting bata. Happy ako at thankful ako maski ako lang mag-isa [ang] nagpapalaki sa anak ko.”

“Thankful ako kasi napakasimple ng anak ko. Talagang hindi siya mareklamo. Nararamdaman naman niya na mahal na mahal ko siya at lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya. Siguro kuntento na siya.”

error: Content is protected !!