Connect with us

Entertainment

Singer-Actress na si Sunshine Cruz, Proud na Ibinahagi Ang Academic Achievement ng Kanyang Anak Na Si Sam

Proud mommy ang celebrity mom na si Sunshine Cruz sa kanyang pangalawang anak na si Sam, 17 taong gulang sa nakamit nitong tagumpay sa kanyang pag-aaral. At bilang isang ina nga, ay talagang hindi maitago ni Sunshine kung gaano siya ka-proud sa kanyang magandang anak.

Nito lamang ika-20 ng Oktubre, araw ng Miyerkules ay proud na ibinahagi ni Sunshine sa Instagram ang academic achievement ni Sam kung saan nga ay nagkamit ng First Honors sa kanilang paaralan.

“First honors! I am VERY proud of you my Sam,”saad ni Sunshine.

Hindi naman maitago ni Sunshine ang paghanga sa kanyang anak na si Sam kung paano nitong i-manage ang kanyang mga priorities, na kahit nga pagsabay-sabayin ang iba’t ibang gawin ay kayang-kaya nitong manguna sa kanilang paaralan. At ngayong grading period nga ay nakakuha ng First Honors si Sam kaya naman talagang proud na proud si Sunshine sa nakamit na tagumpay ng kanyang anak.

“Even with tapings for asapofficial, recordings for universalrecordsph and other extra-curricular activities you have managed to know your priorities and have done VERY well in school. Congratulations on being First Honors this grading period! Keep up the good work.”

Mababakas rin sa mensahe ni Sunshine ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang anak na si Sam.

“I love you Sam and know that I am always so proud of you! Mahal kita anak!”

Si Sam na kabilang sa talent Star Magic, ay hindi lamang ang nag-iisang anak ni Sunshine na may taglay na katalinuhan. Dahil maging anak ni Sunshine na si Angelina, ay nangunguna rin sa kanilang paaralan. Noong nakaraang buwan lamang, ay nagkamit rin ng parangal si Angelina bilang First Honors, at napabilang pa sa Dean’s Lister para ngayong semester.

Sa isang Instagram post, ay ipinaabot naman ni Sunshine ang kanyang pagbati sa nakamit na tagumpay ni Angelina. Sa nasabing post rin ni Sunshine, ay binigyang diin niya ang madalas niyang ipayo sa kanyang mga anak na magpokus sa pag-aaral, dahi ito nga ang pinakamagandang regalo na maaari niyang matanggap mula sa kanyang mga anak.

“Congratulations Angelina in achieving first honors and being a dean’s lister for this term!”

“I know how focused you are with your studies. I’ve always told you girls to focus sa pag-aaral. ‘Yung makapagtapos kayo ang pinakamagandang maibibigay nyong regalo kay mommy and I really appreciate your hard work. I know how challenging online classes [are] but you still did a great job! So proud of you Angelina! I love you.”

Samantala, ibinahagi rin ni Angelina ang payo ng kanyang Mommy Sunshine para balansehin ang kanyang pag-aaral at karera. Maliban nga sa kanyang pag-aaral, ay isa na ring recording artist si Angelina.

“Nag-a-advise po si mommy sa akin to always know my priorities and to always prioritize my studies before ‘yung career ko at lagi ko pong ginagawa ‘yon ever since I started my career as a singer.”

Sina Sam at Angelina ay anak ni Sunshine sa kanyang dating asawang si Cesar Montano. Maliban sa dalawang dalaga, ay may isa pang anak si Sunshine kay Cesar, at ito nga si Cheska na 15 taong gulang na ngayon.

error: Content is protected !!