Connect with us

Entertainment

Singer-actress na si Geneva Cruz, Ipinasilip ang Masayang Pagdiriwang ng 7th Birthday ng Kanyang Anak na si London sa Loob ng Kanilang Tahanan

Masayang ipinagdiwang ng pamilya ng singer at aktres na si Geneva Cruz ang ika-7 taong kaarawan ng kanyang unica hija na si London sa loob ng kanilang tahanan nito lamang ika-10 ng Mayo. Si London ay anak ni Geneva sa kanyang dating boyfriend na si Lee Paulsen.

Dahil nga sa pandemya, ay nagpasya ang Smokey Mountain member na sa loob na lamang ng kanilang tahanan ganapin ang espesyal na araw ng kanyang anak na si London. Sa Instagram, ay ipinasilip ng 45 taong gulang na singer ang masayang pagdiriwang ng 7th birthday ni London.

Isang sweet at puno ng pagmamahal na pagbati ang ipinaabot ni Geneva para sa kanyang anak.

Bungad ni Geneva sa kanyang post,“Happy 7th Birthday, London!”

Samantala, bilang isang ina naman ni London, ay proud na proud si Geneva sa kanyang anak dahil bukod sa napakaganda nitong bata, ay lumaki rin itong isang mapagmahal at mabuting bata.

“Baby girl, Mama and I raised you to be kind and compassionate, tough yet sweet, intelligent and strong-willed, feminine yet athletic, talented, feisty, creative, and super funny. And I think we did an excellent job in fulfilling those attributes as you are glowing every single day.”

Ipinaabot rin ni Geneva sa anak, na ito ang dahil ng patuloy niyang paglaban sa mga hamon ng buhay. Mababakas nga sa mensahe ni Geneva ang isang tunay at wagas na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. At maging isang ina ni London, ay itinuturing niyang biyaya na kanyang labis na ipinagpapasalamat.

“You are the reason why I stay young in all aspects of life. I love you and your big brother more than life itself; both of you are my ‘greatest blessing’ from above! Thank you, Princess London, for making me a mother again on Mother’s Day of 2014!”

May mensahe rin si Geneva sa kanyang ina na namayapa noong nakaraang buwan matapos magpositibo sa COVID-19. Pahayag nga ng singer, sana raw ay nasilayan nito ang kanyang napakagandang anak na si London, at sana raw ay kasama nila ito sa masayang pagdiriwang.

“Mama, I wish you were here to see how beautiful London is and how fun her party is! I’m pretty sure you are watching us from heaven, though, holding us and singing a Happy Birthday song for your princess apo.”

Maliban kay London, ay may isa pang anak si Geneva. Siya si Heaven, ang lalaking anak ng singer sa former Introvoys member na si Paco Arespacochaga.

error: Content is protected !!