Connect with us

Entertainment

Singer-actress na si Angeline Quinto, Ipinasilip ang Pagluluto ng mga Masasarap na Putahe Gamit ang mga Gulay sa Kantang Bahay Kubo

Maliban sa pagiging isang abalang aktres at mahusay na mang-aawit, isa rin sa pinagkakaabalahan ngayon ni Angeline Quinto, ay ang pagbibigay saya sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang mga nakakaaliw na videos na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Credit: Angeline Quinto | Youtube

At sa latest vlog ni Angeline nito lamang ika-4 ng Hunyo ay isang challenge ang ginawa ng singer para mapasaya ang kanyang mga tagahanga. Ito nga ay matapos niyang gawing masarap na putahe ang mga gulay sa folk song na Bahay Kubo para sa kanilang pananghalian.

Upang gawin ang challenge ay nagtungo sa palengke si Angeline para bilhin ang mga gulay. Ibinahagi rin ni Angeline na ang nagsulat ng kantang Bahay Kubo ay si Felipe Padilla De Leon. Samantala, sa pagsisimula ng pamimili ay inawit ni Angeline ang kanta para malaman kung anong mga gulay ang kanyang bibilhin.

Credit: Angeline Quinto | Youtube

Bagama’t, maaga siya sa palengke ay may ilang pirasong gulay sa Bahay Kubo ang hindi niya nabili. At ayon sa kanyang napagtanungang mga vendor, ay hindi panahon ng mga gulay na ito kaya wala silang tinda. Dahil dito, ay pinalitan na lamang ni Angeline ng ibang gulay ang wala para makompleto ang mga ito.

Pagdating sa kanilang bahay, ay chineck ni Angeline kung kompleto na ang mga gulay sa pamamagitan ng pagkanta ng Bahay Kubo. Ang mga hindi na nabili na kanyang pinalitan, ay ibinagay na lamang niya sa tono ng kanta. Ilan naman hindi niya nabili ay bataw, patani, at kundol, na pinalitan niya ng talbos ng kamote, kamote, at kangkong.

Matapos matiyak na kompleto na ang mga gulay, ay inihanda na ng singer ang mga sangkap sa pagluluto. Hinaluan naman niya ito ng isda at karne mula sa kanilang ref. Ipinakita ngabni Angeline ang pagluluto ng masasarap na putahe gamit ang mga gulay sa Bahay Kubo.

Credit: Angeline Quinto | Youtube

At sa kanyang pinamiling mga gulay ay marami siyang nailutong putahe tulad ng pinakbet na pinaresan ng pritong daing na bangus, sinigang na baboy, karne ng baboy na may upo na pinaresan ng pritong dalagang bukid, at miswa na hinaluan ng patola. May ginawa ring salad si Angeline na ang sangkap ay singkamas, kamatis, labanos, mustasa, sibuyas at linga.

Makikita naman na nagawang magamit ni Angeline ang lahat ng gulay sa Bahay Kubo na talagang nakagawa ng masasarap na putahe. Sa dami ng kanyang inihandang pagkain ay katulong niya ang iba niyang kasama sa bahay.

Maraming netizens naman ang natuwa kay Angeline at nagawa niya ng matagumpay ang challenge. Sa huli ay hinikayat rin ng singer ang kanyang mga viewers na magluto rin ng ilan sa mga putahe na kanyang ginawa dahil bukod sa masarap ay masustansiya rin ito.

error: Content is protected !!