Connect with us

Entertainment

Singer-actress Maris Racal, Ipinasilip ang Kanyang Napakaganda at Bagong Revonate na Bahay

Si Mariestella Cañedo Racal o mas kilala bilang Maris Racal sa industriya ng showbiz ay 22 taong gulang na singer at aktres na nagmula sa Davao del Norte. Unang nakilala at nasilayan si Maris ng publiko nang sumali siya sa reality show ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother: All In”, kung saan nagwagi siya bilang second place.

Magmula nga ng manalo sa “Bahay ni Kuya” ay nagsimula nang mamayagpag ang karera ni Maris. Noong 2014 nga, ay naging bahagi naman siyang Star Magic Circle kung saan nagkaroon siya ng kaliwa’t kanang mga proyekto, sa telebisyon man o sa big screen. Samantala, dahil naman sa kanyang husay sa pag-awit at galing sa dance floor ay naging myembro siya ng all-girl dance group “Girltrends” sa noontime show It’s Showtime noong 2016.



Magmula nga noong taong 2014 hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na namamayagpag ang karera ng aktres. Kaya naman, napakalaking tulong sa buhay niya ng karerang tinatahak dahil nakapagpundar siya ng isang napakagandang bahay.

Photo credits: google.com

Ang tatlong palapag na bahay ngang ito ni Maris ay nabili niya dalawang taon na ang nakakalipas. At noong nakaraang August 8, ay ipinasilip ng aktres sa kanyang mga tagahanga sa kanyang vlog ang bahay niya na noon ay under renovation pa.

At kamakailan nga, August 24, muling ipinasilip ni Maris ang kanyang bahay sa pamamagitan ng kanyang vlog entry na “House Tour” na mapapanood sa kanyang Youtube Channel. Ngunit, sa pagkakataong ito, masisilayan na ang ganda at bagong nerovate niyang tahanan.

Sa tulong nga ng interior designer na si Carell Garcia of CG Design Construct, naisakatuparan ni Maris ang pangarap niyang napakagandang bahay.

Ayon nga kay Maris, ay binigay niya lang ang kulay na nais niya at ang Ate Carell na niya ang nagdisenyo sa kabuuan ng bahay upang mapaganda ito.

“First time I saw this, parang napanganga na lang ako. Kasi grabe, ang ganda. Actually si ate Carell ang nag-design ng lahat ng ‘to. Parang tinatawag niya ‘tong collaboration, but I owe it to her. She’s so talented. Ako lang naman nagbigay ng mga colors na gusto ko. But she made this happen”.

Mula nga sa labas ng tahanan ay malayang pinagbuksan ng pinto ni Maris ang kanyang mga tagahanga sa kanyang vlog, upang masilayan ang napakaganda niyang bahay. Magmula nga sa living room, dining area, kitchen at bedroom ay masayang nilibot ni Maris at ipinaliwanag ang bawat detalye.

Sa living room, makikita ang pagiging simple ngunit klasikong disenyo na bumagay naman sa konsepto ng lugar. Kapansin-pansin na maraming makikitang likhang sining sa tahanan ng aktres, ito ay dahil malaki ang pagkahilig niya sa arts.

Photo credits: Mariz Racal | Youtube Channel

At ilan nga sa mga ito ay may kulay orange at black na disenyo, ito umano ang paboritong kulay ng aktres. Kalapit naman ng wall art, ay ang piano na madalas gamitin ni Maris sa pag-eensayo.

Photo credits: Mariz Racal | Youtube Channel

Ang entertainment area kung saan makikita ang isang malaking flat screen TV, ay masisilayan ang magandang lightning at disenyo na naghatid ng malawak na espasyo sa lugar.



Photo credits: Mariz Racal | Youtube Channel

May makikita ring mga halamang nagbibigay kulay sa bawat sulok ng tahanan. Ayon naman kay Maris, hindi talaga siya marunong mag-alaga ng halaman dahil namamatay umano ang mga ito, ngunit dahil nga, nakakadagdag ito ng ganda sa loob ng tahanan ay naglagay na rin siya.

Masisilayan rin sa kitchen at dining area ang ganda ng disenyo matapos nitong marenovate. Napakalinis at ayos tingnan ng kitchen ni Maris dahil sa kombinasyon na kulay puting at marble na disenyo nito. Ang dating diretsong lamesa ay ginawa namang hugis letrang L at binigyan ng bagong disenyo na kulay itim kung saan masisilayan ang ganda ng detalye kapag natatamaan ng liwanag.

Photo credits: Mariz Racal | Youtube Channel

Bago naman tuluyang makaakyat sa 3rd floor, ay may sasalubong na art work sa hagdan ng tahanan ni Maris. Sa bedroom naman, ay masisilayan ang simple ngunit eleganteng silid ng aktres. At gaya ng ibang sulok ng bahay, may makikita ring artwork sa loob ng kanyang silid. Ipinakita rin ng aktres ang ilan sa mahahalagang bagay sa buhay niya na kanyang nakamit.

May music wall rin si Maris kung saan naman nakadisplay ang iba’t ibang klaseng gitara.

Photo credits: Mariz Racal | Youtube Channel

Talaga namang napakaganda ng tahanan ni Maris na bunga ng kanyang pagsisikap.

error: Content is protected !!