Connect with us

Stories

“Singapore pa lang, 8M to 10M na ” Cristy Fermin Nawindang sa Maaring Ginastos ni Kris Aquino Sakay ng Private Plane Patungong Huston Texas

Matatandaan na nagtungo si Kris Aquino sa Estados Unidos upang magpagamot, pero walang ibinigay na detalye ang aktres kung sa kanyang naging byahe kaya naman naging palaisipan sa showbiz columnist na si Cristy Fermin kung paano nga ba nakarating si Kris sa U.S.

Pagbabahagi naman ni Manay Cristy na isang balita ang nakarating sakanya na si Kris Aquino umano ay may kaibigan na nagpahiram sakanya ng private plane upang makapunta sa Houston Texas sa Estados Unidos.

Nagulat naman si Manay Cristy sa posibilidad na ginastos ng aktres sa paglipad nito sa Estados Unidos sakay ng private plane dahil ayon umano sa isa niyang kilala na nagmamay-ari ng private plane hindi biro ang gastos dito kahit na libre pa ang eroplano.

Photo credits: Cristy Ferminute | Youtube

Ayon sa kaibigan ni Manay Cristy na ang biyahe palan mula Pilipinas hanggang Singapore sakay ng isang private plane ay papatak na ng 8 hanggang 10 milyon, one way palang un at hindi pa kasama ang pabalik. How more pa daw kung Estados Unidos ang pupuntahan na may higit kumulang 17 hours na biyahe, maari daw itong pumalo ng 20 to 25 milyong piso ang magagastos.

“Alam mo may kaibigan ako, Singapore pa lang, 8M to 10M na pagka-private jet plane… at pabalik, ganoon din. Eh paano pa yung Amerika na 17 hours? Magkano ito? Eh ‘di aakyat ‘to ng 20 hanggang 25, baka 30 pa,”

Wala namang nabangit si Cristy kung anong currency ang gamit kung ito ba ay sa piso o sa dolyar, kaya maaaring mas sobra pa ang gastos dito ni Kris.

Photo credits: Cristy Ferminute | Youtube

Ayon kay Cristy na si Kris lang ang makakapagbigay ng totoong detalye kung sino nga ba ang may mabuting loob na kaibigan niya ang nagpahiram sakanya ng private plane.

Matatandaang ibinahagi ni Kris Aquino ang kanyang totoong karamdaman sa naging last update niya noong Hunyo 3, hindi maganda ang kalagayan ngayon ng aktres pero marami sa mga kaibigan nito ang ipinagdarasal siya sa kanyang mabilis na pagaling. Kasama naman ni Kris ang kanyang anak na si Bimby na nagtungo sa Estados Unidos at ang ilan sa mga malalapit dito na kapamilya.

Hiling naman ni manay Cristy na laksan ni Kris ang kanyang loob at labanan nito ang kanyang sakit kahit para nalang sa kanyang mga anak, malaki naman daw ang pag-asa na malagpasan nito ang kanyang sakit lalo na at advance ang medisina sa Estados Unidos.

Hininge naman ni Manay Cristy at ng kanyang co-host na si Romel Chika na isama sa dasal si Kris Aquino, kahit hindi ito kaibigan o kahit hindi man ninyo gusto si Kris ay sana matulongan pa din siya kahit sa dasal nalang.

 

error: Content is protected !!