Connect with us

Entertainment

“Sinampal na naman ako ng kahirapan” Mga Netizens Nawindang at may Nakakatuwang Reaksyon sa Bagong Post ni Heart Evangelista sa Kanyang Instagram Account

Talagang nawindang ang mga netizens sa social media sa isa sa mga naging post ni Heart Evangelista sa kanyang social media account kung saan patungkol ito sa tissue na kanyang ginagamit.

Humakot ng ibat-ibang nakakatuwang reaksyon sa social media ang tissue na ginagamit ni Heart kung saan may tatak ito na Chanel.

Matatandaan na lumipad patungong Paris ang aktres upang dumalo sa 75th Cannes Film Festival at magbakasyon narin, suot ang kanyang mga nagagandahan at nagmamahalang outfit, litaw na litaw ang kasosyalan at kagandahan ni Heart habang ineenjoy ang napakagandang syudad ng Paris.

Isa sa umagaw ng atensyon ng mga netizens ay ang tissue paper na gamit ng aktres na may tatak na chanel kung saan talagang nagpapakita kung gaano kayaman ang isang heart evangelista.

Sa kanyang naging post sa instagram account, makikita ang isang larawan kung saan may isang rectangular container na puno ng chanel tissue katabi ang isang puti na may itim na chanel bag at kalakip nito ang mga katagang “Don’t forget to wash your hands”.

Ilan sa mga netizens ay pabirong nagbigay ng komento sa post ni heart na nagsasabing,

“Remind lang ni Heart kung gaano tayo kahampas lupa bago matulog,”

“Pati tissue ansarap kainin nakakahiya ipahid sa pwet,”

“Tell me you are rich, without actually telling me you are rich..”

“Sinampal na naman ako ng kahirapan”

pabirong komento ng ilang netizens.

Talagang makikita sa mga post ni Heart sa kanyang social media account na isa talaga siyang fan ng mga branded na kagamitan lalo na ang mga designers bags katulad ng chanel, louis vuitton at mga mamahaling alahas, sapatos at mga damit.

Kilala si Heart Evangelista bilang isang sikat na artista, vlogger, at endorser ng mga sikat na produkto. Maliban sa kanyang mga sumikat na pelikula si heart ay aktibo din sa social media, siya ay kasalukuyang kasal sa kanyang asawang si Senator Chiz Escudero.

Talagang mapapawow kanalang sa mga Ootd ni Heart kapag ito ay nagpopost sa kanyang social media accounts.

 

error: Content is protected !!