Connect with us

Entertainment

“Sinagot mo na nga ang hospital bill ko, nagpumilit ka pang dumalaw kahit bawal dahil nakaquarantine ako” Janus Del Prado Labis ang Pasasalamat sa kanyang Kaibigan na si Angel Locsin

Ang aktres na si Angel Locsin ay nakilala ng publiko hindi lamang dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan kundi pati na rin sa kanyang husay sa pag-arte. Sa katunayan nga nito, ay maraming proyekto ang kanyang nagawa na nagpatunay ng kanyang talento. Ngunit, ang higit na tumatak sa mga manonood ay ang pagganap niya bilang Darna.

Hindi lamang nga hanggang telebisyon ang pagiging superhero ni Angel, dahil sa tunay na buhay ay madalas rin niyang ipamalas ang kanyang kabutihang loob at pagiging matulungin sa mga nangangailangan. At gaya ng isang superhero, ay walang pinipili si Angel dahil hangga’t may pagkakataom ay handa siyang magpaabot ng tuloy kahit kanino.

Isa nga sa mapalad na nakaranas ng taglay na ginintuang puso ni Angel matapos tulungan ay ang aktor at komedyante na si Janus del Prado. Sa isang post sa Instagram ay ibinahagi ni Janus ang ginawang pagtulong ni Angel sa kanya para patunayan sa mga bumabatikos sa aktres kung gaano ito kabuting tao. Makikita sa IG post ng aktor, na kanyang ibinahagi ang larawan kasama ni Angel, at dito nga ay inilahad ni Janus kung paano siyang tinulungan ni Angel noong 2014 nang magkasakit siya.

“Sa mga bumabatikos sayo at gusto kang tapusin, paps. Wag mo na lang silang pansinin. Kilala ka naman ng mga taong malapit sayo at yung pagtingin namin sayo ang importante. Sabi nga ng mga trolls at bashers, pakitang tao ka lang daw. Pero di nila alam na madami ka natutulungan na di nababalita. Gaya ko, paps.”

Ayon nga kay Janus, noong 2014 nang magkatigdas siya ay tanging si Angel lamang ang nag-iisang tao sa showbiz na nag-alok sa kanya ng tulong.

“Naalala ko dati nung nagkatigdas ako way back 2014, ikaw lang sa mga kakilala ko sa industriya ang nag-offer ng tulong at malasakit.”

Dagdag pa nga ni Janus, ay si Angel pa raw mismo ang nagbayad ng kanyang hospital bill. At kahit nga raw nakaquarantine siya noon sa hospital dahil sa kanyang sakit ay nagpumilit parin ang aktres na bisitahin siya nito.

“Sinagot mo na nga ang hospital bill ko, nagpumilit ka pang dumalaw kahit bawal dahil nakaquarantine ako sa hospital. Hehe. Baliw ka talaga.

Dahil nga sa hindi makakalimutang kabutihan sa kanya ni Angel, ay labis nga ang pasasalamat si Janus sa aktres. At dito nga ay pinatunayan ni Janus na isa talagang mabuting tao at tapat na kaibigan si Angel.

“Salamat sa malasakit at sa pagkakaibigan. Sa mga nagsasabing NPA ka, di lang nila alam ang totoo na, NBA ka. Turn around fade away drunk. Labyu paps.”

Hindi naman nakaligtas kay Angel ang post na ito ni Janus, at nang makita nga ng aktres ay agad itong nag-iwan ng komento kung saan pinasalamatan niya ang aktor sa pagtatanggol sa kanya.

“Naiyak naman ako sa pa-tribute mo, paps! Salamat sa pagtatanggol.”

error: Content is protected !!