Connect with us

Entertainment

“Sinabi niya mag-go-golf siya Tapos hindi ko na alam kung anong butas ang tinira niya” Candy Pangilinan, Ibinahagi ang Kanyang Pinagdaanan Matapos Lokohin at Iwan ng Kanyang Dating Asawa

Naging madamdamin ang naging takbo ng kwentuhan ng aktres na si Candy Pangilinan at Toni Gonzaga sa vlog ng huli. Ibinahagi kasi ng aktres na si Candy ang kanyang pinagdaanan matapos lokohin at iwan ng kanyang dating asawa.

Malungkot at puno ng hinagpis ang sinapit ng buhay pag-ibig ni Candy na ang nais sana ay isang buo at masayang pamilya. Kwento ni Candy, ay 31 taong gulang siya noon nang magpakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend matapos ang 10 taon bilang magkasintahan.

Ngunit, ang matagal pala nilang relasyon bago pa man ikasal, ay may mga nadiskubre na si Candy sa katauhan ng nobyo. Pero sa halip na taposin ang kanilang relasyon, ay binalewala niya ito sa paniniwalang magagawa nitong magbago kapag nagkaanak na sila.

“Even before kami kinasal, meron na akong mga nahuli. Pero kasi ‘di ba, ‘yung babae, feeling mo people change. Feeling ko a baby will save it kaya nag-decide ako mabuntis. So nabuntis ako, but no.”

Sa kabila naman ng mga problema sa pagsasama nila bilang mag-asawa, ay hindi nagpatinag si Candy, bagkus ay lumaban sa buhay at nagawa pang magtrabaho sa ABS-CBN sa segment na Whattamen.

Hindi naman naging maganda ang samahan nilang mag-asawa noong nagbubuntis siya. At taliwas sa inaasahang magbabago pa ito, ay labis na nasaktan si Candy dahil matapos nga maipanganak ang kanilang anak isang buwan pa lamang ang nakalipas, ay nagpaalam na ito sa kanyang iiwanan na siya nito.

Photo credits: Toni Talks | Youtube

Kwento ni Candy, ay nagpaalam naman raw ito sa kanya na aalis. Pero ang ibig sabihin pala nito, ay tuluyan nang aalis sa buhay nilang mag-ina at hindi na babalik pa.

“To make the long story short, I gave birth. After a month I gave birth, hindi na siya umuwi. Nagpaalam naman siya sa akin. Sinabi niya mag-go-golf siya. Tapos hindi ko na alam kung anong butas ang tinira niya. Hindi na siya umuwi. Baka nakalaban niya si Tiger Woods. Hindi ako na-inform,” saad ni Candy.

Dahil nga dito, ay nakaramdam ng matinding lungkot si Candy na umabot pa sa puntong humingi siya ng tulong sa psychologist upang matiyak na hindi siya baliw tulad ng sinasabi sa kanya ng dating asawa. At kinumpirma naman ng doktor na maayos naman ang lagay niya, kung saan ay hindi siya baliw.

“Kasi sinasabi ng ex ko before, baliw daw ako. ‘Baliw ka kasi pinaghihinalaan mo akong may babae.’ So, baliw ako? Kaya siya umalis kasi baliw ako? Pero feeling ko talaga, meron. So nagpa-check talaga ako sa doctor kung talagang baliw ako.”

Photo credits: Toni Talks | Youtube

Nang tanungin naman kung bakit mas pinili niyang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan. Ayon nga aktres, ay naging kampante siya na kontrolado niya ang lahat. Maliban pa sa psychologist ay may spiritual counselor at doon nga, ay napakaraming bagay ang kanyang natutunan, na nagpabukas ng kanyang isipan.

“There were so many signs in front of us pero dahil sa tigas ng ulo, dahil gusto natin, we still continue what we want even though God is sending us so many signs. Nandiyan na sa harapan mo, alam mo na eh. Pero ang tigas ng ulo mo. You don’t want to follow God’s will and God’s hand ”

Photo credits: Toni Talks | Youtube

Samantala, hindi man naging maganda at nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon, may maituturing naman itong isang biyaya dahil sa pagdating ng kanyang anak na si Quintin. At ang kanyang anak nga, ang pinakamagandang biyayang kanyang natanggap.

“Everything was a blessing. ‘Yung hiwalayan, parang hinanda ako ni Lord. Binago niya ‘yung pagkatao ko, ‘yung mindset ko, ‘yung perception ko about things para handa ako for Quintin.”

Photo credits: Toni Talks | Youtube

Isang napakalaking bagay ang natutunan ni Candy, sa kwento ng kanyang buhay ay:

“Kasi dati feeling ko asawa ko ‘yung diyos ko. Yung buhay ko sa kanya umiikot. Wala akong ginawa, para akong detective. Wala akong ginawa kundi magduda or magmatyag. I’ve realized na hindi ito ‘yun. Kapag napapagod ka pala tapos in-offer mo lahat kay Lord, parang everything unfolds and becomes a miracle. Gumagaan. So nung dumating si Quintin at ito ‘yung nilagay sa harap mo, may rason si Lord dito. Alam ko meron.”

Pagbubunyag naman ni Candy, kung sakaling hindi niya isinilang ang kanyang anak, marahil ay bumalik na siya sa kanyang dating buhay.

“Baka nandoon pa rin ako sa dati kong buhay. Baka lumalabas pa rin ako. With all the affirmations I am getting, marami rin palang nanay ang dumadaan sa ganito. And they need the encouragement also and they need hope.”

error: Content is protected !!