Connect with us

Stories

Simpleng Pamumuhay Noon Binalikan ni Karla Estrada, Pagiging Ina niya sa kanyang mga Anak ‘The Best Job in the World’ Ayon sakanya

Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kwento sa buhay kung paano natin nakamit ang tinatamasang tagumpay ngayon. Marahil nga, ang ilan ay matinding hirap ang pinagdaanan kung saan talagang nagsumikap upang maabot ang kinaroroonan ngayon.

At hindi nga matatawaran ang kaligayahan kapag nakamit na ang tagumpay na inaasam. Kaya naman, ang muling balikan ang buhay na meron tayo dati, ay tiyak na maghahatid sa atin ng ngiti kapag ito’y naaalala.

Katulad na lamang nga ng TV host at aktres na si Karla Estrada na masayang binalikan ang buhay na meron sila noon, na talagang hindi niya makakalimutan bilang parte na ng kanilang buhay. Ang pamumuhay ng pamilya noon nina Karla, ay simple lamang. Ngunit sa kabila nga ng kanilang payak na pamumuhay, ay masisilayan naman ang isang masayang pamilya na puno ng pagmamahal.

Photo credits: google.com

Sa isang Instagram post ,ay binalikan ni Karla ang yugto ng kanyang buhay kung saan simple at payak ang kanilang pamumuhay. Sa nasabing post ay ibinahagi niya ang lumang larawan ng kanyang pamilya kung saan kasama niya ang kanyang mga anak na sina Daniel Padilla at Jose Carlito na masisilayan ang ngiti sa kanilang mga mukha.

Ayon naman sa caption ng post ni Karla, ay ito ang simple at malayang buhay nila noon na kailanman ay hindi niya maaaring ipagpalit.

“Ang buhay na simple at malaya na kahit kailan ay hinding hindi mo maipagpapalit @supremo_dp @sprakinheighten @josecarlitoph #baler.”

Photo credits: Karla Estrada | IG

Walang duda naman na ang kasimplehan at malayang pamumuhay nila noon, ay talagang tumatak sa kanilang mga puso. Kaya naman, hindi ito mawaglit sa kanilang mga isipan. Isang simple at payak na pamumuhay na may kalayaan, na talagang naghatid sa kanila ng labis na kaligayahan.

Photo credits: Karla Estrada | IG

Si Karla Estrada ay kilala ng marami bilang si Momshie Karla na host ng morning show na Magandang Buhay sa ABS-CBN. Maliban rito, ay hinahangaan rin siya ng marami bilang isang mahusay na aktres at singer. Kilala rin siya bilang ina ng isa sa pinakasikat na aktor sa industriya ng showbiz, si Daniel Padilla na isinilang niya noong 20 taong gulang pa lamang siya na anak niya sa dating aktor na si Rommel Padilla.

Photo credits: Karla Estrada | IG

Photo credits: Karla Estrada | IG

Ang kapatid naman ni DJ na si Jose Carlito ay isa naman ngayong musikero kung saan ay kabilang sa bandang naglabas ng isang music video na pinamagatang “Big White Wall.” Maliban naman kina DJ at Jose Carlito, ay may dalawa pang anak si Karla. Sila nga ay sina Margaret Ford at Carmela Ford Tenorio na anak naman ni Karla sa iba pa niyang nakarelasyon.

error: Content is protected !!