Connect with us

Entertainment

Simple Ngunit Masayang Pamumuhay ni Andi Eigenmann sa Isla ng Siargao Kapiling si Philmar Alipayo, Mas Lalong Hinangaan ni Jaclyn Jose

Magmula nga ng dumating sa buhay ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang fiancee ngayon na si Philmar Alipayo, ay talagang nasumpungan niya ang inaasam sa kaligayahan at kapanatagan sa kanyang buhay.

Credit: Ani Eigenmann | Instagram

Si Andi ay isang kilala at sikat na artista sa industriya ng showbiz noon ngunit nagpasya siyang talikuran ang marangyang pamumuhay at kasikatan upang makasama ang kanyang iniibig na si Philmar sa isla ng Siargao.

Bilang isang kilalang artista, ay marami ang nagulat sa ginawang desisyon ni Andi pero sa huli nga ay hinangaan ng marami ang naging pasya ng dating aktres, lalo na nga’t kitang-kita kung gaano kasaya ngayon si Andi sa kanyang piniling landas bilang isang mapagmahal na partner at ina sa kanyang mga anak.

Magmula nang iwan ni Andi ang showbiz, ay natutunan na rin niya ang simpleng buhay sa isla ng Siargao. Hindi naman maikakaila na malayang nagagawa ni Andi ang mga bagay na nais gawin. At ito nga ang talagang gusto niyang mangyari, ang magkaroon ng pribadong pamumuhay ng wala sa harap ng camera. Hindi nga pinagkakaguluhan ng mga tao sa Isla si Andi at malaya ring niyang naisusuot ang mga simple at komportableng damit.

Credit: Ani Eigenmann | Instagram

Matatandaan naman na minsan nang kinagiliwan ng mga netizens ang kumalat na larawan sa social media ni Andi kasama si Philmar kung saan makikitang bumibili sila mg street foods. Makikita na bumili sila ng tindang calamares, kwek-kwek at iba pa, at nagpasyang doon na rin kainin sa kanilang pinagbilhan. Ang kasimplehang masisilayan sa dalawa kung saan makikita nakasuot ng tshirt at short si Andi, ay talagang hinangaan ng maraming netizen at nagbigay pa ng komento.

“They’re still rich but they are just humble, people really judge thru appearances. The truth is they are just humble and living simple life.”

“Search for a good heart but don’t search for a beautiful face, because beautiful things are not always good, but good things are always beautiful.”

Credit: Ani Eigenmann | Instagram

Ngunit, hindi lang netizens ang napahanga ni Andi sa kanyang kasimplehan at pagiging komportable sa kanyang pamumuhay ngayon sa isla kundi maging ang kanyang ina na si Jaclyn Jose. Kahit naman napakasimple lamang ng pamumuhay nina Andi sa isla ng Siargao ay masayang-masaya naman ang kanilang pamilya.

Hindi nakakapiling ng matagal ni Jaclyn ang kanyang anak at kanyang mga apo dahil nga nasa Maynila siya at kinakailangan niyang manatili rito para sa kanyang mga tapings. Sa kabila nga nito, ay naipaparamdam parin ni Jaclyn ang kanyang pagmamahal at pagsuporta sa kanyang anak sa landas na tinatahak ng dating aktres.

Credit: Ani Eigenmann | Instagram

Sa isang post nga sa Instagram, ay ipinaabot ni Jaclyn ang kanyang paghanga kay Andi at kung gaano niya itong ipinagmamalaki dahil napalaki nitong maayos ang mga anak nitong sina Ellie, Lilo at Koa.

“Anak hinahangaan kita sa kung meron ka buhay ngayon..napaktapang mo sana ako din..ang ganda ng pag papalaki mo sa mga bata sorry sa lahat pag kukulang ko..binago ko kasi yung word na typo .mali…bago lang phone ko d pako sanay pasensiya na po. Anak mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo..mag ingat palagi.”

Sa pagdaan ng panahon ay naging malapit na rin si Jaclyn kay Philmar. Matatandaan nga na noong pagdiriwang ng Father’s day, ay masayang binati ni Jaclyn si Philmar kung saan ibinahagi ng aktres ang close up photo nito. Sa comment section ng post ng aktres, ay mababasa naman ang pasasalamat ni Phimar na “Thanks Nay” at nagkomento rin si Andi at sinabi “Close up na close pa talaga eh”.

error: Content is protected !!