Connect with us

Inspiring

 Silipin True Love Stories Ng That’s Entertainment ‘Couple’ Na Sina Manilyn Reynes At Aljon Jimenez

Published

on

Sino bang hindi kinilig sa mga love team nina Janno Gibbs–Manilyn Reynes at Kempee De Leon–Vina Morales na talaga namang nagpasaya at nagpahanga sa maraming manunuod noong taong 80s.

Sa industriya ng showbiz masasabing ang pagkakaroon ng loveteam minsan ang nagiging daan upang mas sumikat pa sa pinilakang tabing. Sa dami ng sikat na love team nga ngayon gaya ng mga tambalang LizQuen, KathNiel, at JaDine maraming mga fans ang nacucurious sa kung anu ang magiging kalalabasan ng kanilang pagmamahalan. Umaasa silang may forever para sa kanilang mga iniidolong love team.



Sa kabilang banda pinatunayan nila Manilyn Reynes at Aljon Jimenez na hindi kailangan na maging love team upang sumikat at magkaroon ng forever sa kanilang buhay pag-ibig.

Sa Instagram Account ng ‘Pepito Manaloto:Ang Tunay na Kwento’ aktres ibinahagi niya ang larawan nilang mag-asawa noong sila ay pasimula pa lamang sa kanilang relasyon,

“This was taken in San Francisco on Aug. 31,1991. 28 years na today – Bago pa lang ang relationship naming dito. Until now, we hold hands kahit nasaan kami, hanggang sa pag-tulog. And the feeling’s still the same – Take my hand….we’ll walk a while, we’ll talk a while….” share pa ng dating “That’s Entertainment” artist.

Samantala sa isang larawan din na ibinahagi ng Kapuso Artist makikita silang dalawa noong kabataan pa nila na masayang naghaharutan na nilagayan nila ng caption na ‘I got married once and it took one lifetime. Only once, only one.’

Sa kabilang banda hindi naman naiwasan ng ilang tagahanga na magkomento sa naturang larawan ng ‘That’s Entertainment’ couple kung saan hinahangaan nila ang matibay na relasyon ng mga idolo,



“Wow so sweet, naalala ko po tuloy ung palabas na young love, sana ipalabas po ulit sag ma ung palabas nyo po na YL SL as throw back sitcom po, sure madami pong mag-aabang po ulit nun kasama n mga anak naming…”,

“you two are my FAV since the beginning. I’m your #1 FAN back then and now even though I have only have TFC”.

Photo credits: manilyreynes27 | Instagram

Malayo na nga ang itinatakbo ng ‘That’s Entertainment’ couple pagdating sa kanilang buhay mag-asawa. Sa kabilang banda gaya ng pangkaraniwan mag-asawa dumaan din sila sa pagsubok mula sa kanilang personal na business na hindi naging matagumpay gayundin ng makunan ang aktres noong 2010.

Photo credits: manilyreynes27 | Instagram

Samantala masayang ibinahagi ng aktres ang isang throw back post noong Valentines Day(taong 2018) at nilagyan niya ito ng mensahen,



“You and I will always be together forever”, pag-alaala pa ng 47 taong gulang na aktres.

Photo credits: manilyreynes27 | Instagram

Masasabing napatunayan nila Manilyn at Aljon na may ‘true love’ talaga sa likod ng kamera at sa pagtitiwala sa isat-isa makakamit ang inaasam na ‘forever’. Sa ngayon ay masaya silang nagsasama kapiling ang tatlong anak na sina Kyle, Kirk at Kael.

error: Content is protected !!