Connect with us

Entertainment

Silipin: Simple pero Masayang Buhay ni Andi Eigenman sa Probinsya ng Siargao Kasama ang Partner na si Philmar Alipayo at Dalawa nitong Anak

Ang pag-ibig nga ay sadyang makapangyarihan sapagkat wala itong pinipiling katauhan. Anuman ang estado sa buhay ay hindi hadlang upang maramdaman ang isang tunay na pagmamahal. Dahil ang mas mahalaga sa taong umiibig ay makapiling ang taong nagbibigay ng saya sa puso at kulay sa buhay.



Marami ang humahanga sa aktres na si Andi Eigenmann sa ipinapakita niyang pagmamahal sa partner niyang si Philmar Alipayo na isang surfer. Dahil sa desisyon ng aktres na iwan ang nakagisnang marangyang pamumuhay sa syudad at kasikatang tinatamasa sa showbiz, ay pinatunayan niya na ang isang tunay at wagas na pag-ibig ay hindi tumitingin sa katayuan sa buhay ng isang tao.

At ngayon nga, ay masaya at simpleng namumuhay sa Isla ng Siargao si Andi kasama ang taong mahal na mahal niya at kanyang mga anak na sina Ellie at Baby Lilo.

Mas lalo namang pinapahanga ni Andi ang kanyang mga tagahanga dahil ang simpleng pamumuhay sa isla ay nakasanayan na niya. At talagang makikita na masaya at komportable siya sa buhay na mayroon siya ngayon sa isla.

Kamakailan nga, ay naispatan sina Andi at Philmar na simpleng kumakain ng street food sa isang maliit na tindahan sa isla.



Sa post ng isang netizen na nagngangalang Luaren Bade, makikita na kasama ni Andi ang partner niyang si Philmar na bumibili ng street food sa gilid ng kalsada at matapos ngang bumili ay komportableng umupo sa isang sulok ang dalawa habang nag-uusap at kumakain ng street food.

Malayo sa nakasanayang pananamit ng isang artista, makikita na napakasimple ni Andi sa suot niyang puting T-shirt at maong short. Patunay nga nito na masaya at kontento na si Andi sa simpleng pamumuhay kasama ang taong mahal niya at nagpapasaya sa kanya.
Ang napakagandang larawan ng simpleng pamumuhay ni Andi kasama ang partner niyang si Philmar ay hinangaan ng mga netizens at nag-trending sa social media. Inulan nga ng mga positibong komento at reaksyon ang larawan nilang ito.

“Happy and contented!” komento ni Jessa Guitering Addun.

“Before you find and marry a good man, be like Andi muna. Maraming naghahangad ng totoong pagmanahal pero ang tanong, kaya mo bang maging si Andi? It’s useless to find someone good while ang ugali mo ay taliwas sa kung ano nais mo sa isang lalaki. (If you know what I mean). Gusto kasi natin is iyong pure love na tinatawag kaso iyon ang tanong, kaya mo bang magpaka-Andi?”, mahabang pahayag naman ni John Ariel Castillo Flores.



Maging ang facebook page na Rant ay humanga rin sa kasimplehan at pagmamahalan nina Andi at Philmar;

“Don’t marry a rich man. Marry a good man. He will spend his life trying to keep you happy. No rich man can buy that.”

error: Content is protected !!