Connect with us

Entertainment

Silipin Napakagandang Organic Bali Inspired Kitchen Ng Aktor Na Si JC Santos

Ang kusina marahil ang pinakaimportanteng parte ng ating bahay. Dito tayo naghahanda at nagluluto ng pagkain na ating kinakain sa araw-araw. Dito rin natin nakakasama ang ating pamilya upang magsalo-salo magmula umaga, tanghali at gabi. Ang ganitong konsepto ng isang kusina ay matatawag na “a living kitchen”. Kaya naman, ang Architect na si Justine Amor Garcia ay ganitong konsepto rin ang ginawa sa kusina ng aktor na si JC Santos nang magparenovate ito.

Photo Credits: JC Santos| IG

Sa isang panayam sa Real Living, ay ibinahagi ni Architect Justine kung paano niya nilagyan ng disenyo ang kusina ni JC na talaga namang nagustuhan ng aktor. At para nga sa pamilya ni JC ay isang Bali-inspired design ang naisip ni Achitect Justine para umano magkaroon ng koneksyon ang outdoor at indoor, na ayon sa kanya “is being in harmony with nature”.

Photo Credits: JC Santos| IG

“Bie Cucina (a Kapampangan term translated as ‘Life in the Kitchen’ or a ‘A Living Kitchen’ as we call it) is just approximately about 20 square meters of kitchen space including the dining area,”aniya.

Ang disenyo ng kusina ni JC ay may pinaghalong kombinasyon ng wood at concrete. Kahanga-hanga naman ang resulta nito dahil makikita ang isang malinis, at natural na natural na dating ng kapaligiran.

“The palette used was basically the combination of the natural color of the wood, the rawness of the concrete-finished wall and surfaces, and the subtle color of dark gray for the cabinets.”

Photo Credits: JC Santos| IG

Ipinaliwanag naman nito kung bakit gumamit sila ng concrete-finished texture. At ayon nga kay Architect Justine, ay nais niyang maging organic at natural itong tingnan. Mapapansin rin na halos lahat ng kagamitan na makikita sa kitchen at dining area ay yari sa kahoy. Ito ay nagbibigay ng natural na dating na kahit may halong concrete design ay lulutang parin ang ganda ng wooden design ng kitchen.

Photo Credits: JC Santos| IG

“The use of concrete-finished texture was formulated to look organic and natural… Solid acasia wood [for the dining table] was curated and treated by one of the best teams here in Betis, Pampanga. We take pride in what is ours and innovate ways to showcase them to everyone.” The artwork, that’s made from diverse types of woods, is an export-quality product. The patterns were carefully paced to look as if it were seamlessly curated.”

Photo Credits: JC Santos| IG

Napakaganda naman talagang ng organic Bali-inspired kitchen ni JC na talagang natural ang dating. Napakarelaxing rin ang vibes ng lugar kaya naman tiyak na mag-eenjoy sila ng kanyang partner sa pagluluto at maging sa kanilang masaya nilang salo-salo araw-araw kasama ang kanilang anak.

Photo Credits: JC Santos| IG

“Just enjoy the process every step of the way in building your dream bedroom, kitchen, or home! At the end of the day, it’s nice to live in a house that you yourself know you’ve done your part [in].”

error: Content is protected !!