Silipin: Mga Prestihiyosong Paaralan na Pinasukan ng mga Anak ni Manny Pacquiao at kung Gaano nga ba Kamahal ang Tuition dito

Ang kwento ng buhay nila Manny at Jinkee Pacquiao ay isang halimbawa ng buhay na nagmula na kung saan ay nagsimula sa mahirap, nagtyaga hanggang sa naging mayaman o sa madaling sabi “from rags to riches”. Lahat ng mayroon sila ngayon ay dahil sa pagtyatyaga ni Manny sa kanyang trabaho at sa mga tagumpay na kanyang nakamit bilang isang bosingero.

Malaki din naman ang naitulong ni Jinkee sa kung anung karangyaan ang mayroon sila ngayon dahil magaling at mahusay itong maghawak ng kanilang kayamanan. Isang bagay na napakaimportante lalo na sa sitwasyon ng pamilya nila Manny at JInkee. Siguro ginagawa din ito ni Jinkee para sa kinabukasan ng kanilang anak at ayaw din nilang maranasan ng kanilang mga anak ang naranasan nila noong mga panahong walang wala sila.



Isa ang edukasyon ng kanilang mga anak sa mga bagay na inuuna at pinaglalaanan nila Manny at Jinkee ng kanilang pera dahil para sa kanila ito ay napakahalaga. Kaya para mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak, ipinasok nila ang mga ito sa mahuhusay na international school sa ating bansa.

Narito ang mga paaralan na pinapasukan ng mga anak ni Manny at ang kanilang tuition fee:

1. BRENT INTERNATIONAL SCHOOL MANILA

Dito nakapagtapos ng senior high school ang panganay na anak ni Manny at Jinkee na si Jimuel. Nagkakahalaga ng $9,120 o P418,900 ang tuition fee ni Jimuel dito sa loob ng isang taon at bukod pa dito ang karagdagang school fees na nagkakahalaga ng $8,085 o halos P396,165.

2. BRENT INTERNATIONAL SCHOOL LAGUNA

Dito naman kasalukuyang nag-aaral ng senior high school ang pangalawang anak ni Manny at Jinkee na si Michael Stephen. Dahil sa pareho ang paaralan na pinasukan ni Michael at Jimuel, magkaiba lang ng lugar, ay magkapareho din ang tuition fee nila at ang dagdag na school fees.



Sa Brent International School din nag-aaral ang pangatlo at pinakamatandang anak na babae ni Manny at Jinkee na si Mary Divine na kasalukuyang nag-aaral ng middle school. Ang kanyang tuition fee sa nasabing paaralan ay $8,784 o halos P403,512 sa loob ng isang taon at bukod pa dito ang karagdagang school fees.

Tulad ni Mary Divine ay kasalukuyan ding nag-aaral ng middle school ang pang-apat na anak ni Manny at Jinkee na si Queenie na ipinanganak naman sa Los Angeles, California. Dahil sa magkapareho ng pinapasukang paaralan sila Mary Divine at Queenie at pareho din ang tuition fee at karagdagang school fees na binabayaran ng kanilang mga magulang.

Ang bunsong anak naman ni Manny na si Israel ay hindi pa nag-aaral dahil limang (5) taong gulang palang ito.



Sa tuition fee palang ng mga anak ni Manny at Jinkee ay makikita mo na, na ang edukasyon ang pinaka binibigyan nila ng pansin at pinaggagastusan ng sobra sobra. Hindi naman sila magsisisi dahil lumaking maayos at magagaling ang kanilang mga anak, bagay na talaga namang pinagmamalaki nila Manny at Jinkee.