Connect with us

Entertainment

Silipin, Masayang Bakasyon ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Boyfriend nitong si Jeremy Jauncey sa Maldives 

Magmula nga nang magkasama ang Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at boyfriend nitong si Jeremy Jauncy, ay madalas na silang magbakasyon sa mga magagandang lugar na kanila na namang ibinabahagi sa kani-kanilang social media accounts.




Napakaromantic at napakasweet ng naging pagsalubong ng bagong taon ng magkasintahang Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncy. Kung ang ilan nga, ay kasama ang kanilang pamilya sa pagdiriwang ng bagong taon. Mas pinili naman ng magkasintahang magtungo sa napakagandang lugar ng Maldives upang doon magkasamang salubungin ang bagong taon.

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Matapos masayang ipagdiwang ang Pasko nang magkasama noong nakaraang Disyembre sa London, noong ika-27 ng Disyembre naman ay lumipad ang magkasintahan patungo sa napakagandang isla ng Maldives na matatagpuan sa Arabian Sea ng Indian Ocean sa South Asia, upang doon ipagdiwang ang bagong taon.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Jeremy ang sweet na larawan nila ng beauty queen, kung saan makikita silang magkayakap, at sinalubong ang unang paglubog ng araw ng taon. Kalakip naman ng sweet photo nila, ay isang mensahe na puno ng pag-asa at plano na magkasama nilang haharapin sa taong 2021.

“@piawurtzbach and I sat on this pier watching the first sunset of 2021, making plans for our life and all the things we want to achieve this year.”

Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Pagbabahagi naman ni Jeremy, noong nakaraang taon, ay madalas umano silang magkasama upang magplano, tuparin ang mga pangarap at suportahan ang isa’t isa sa anumang pagsubok na kanilang pinagdaanan. Nabanggit rin nito, kung gaano siya ka-proud kay Pia na nakasama niya sa panibagong taong pagplaplano habang magkasamang tinatanaw ang magandang tanawin ng paglubog ng araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

“We spend a lot of time together goal planning, sharing our dreams and supporting each other to think bigger or push harder and last year more than at any time before—encouraging each other through challenges in work & life. I’m so proud of Pia for all she’s come through this year and couldn’t think of a better way to start 2021 than making big plans together watching sunset @joalimaldives”





Photo credits: Pia Wurtzbach | IG

Samantala, matatandaan naman na bago sumapit ang New Year, ay ibinahagi ng Beautiful Destinations founder sa isang Instagram post, ang pinagdaanan ng kanilang relasyon noong taong 2020.

“Since our very first date we’ve always talked about everything—getting lost in conversation, laughing & joking with each other and although most of the plans we made for 2020 didn’t happen, I can look back on the year happy & hopeful for what’s to come in 2021. There have been a load of personal & professional challenges for me, Pia, our businesses, our friends and our family but we got through them, wiser & stronger.”

error: Content is protected !!