Connect with us

Entertainment

Silipin, Masayang Bakasyon ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Isla ng Boracay 

Marami ang humahanga sa angking talento at magandang mukha ng aktres na si Kathryn Bernardo. Walang duda ang bagay na ito, dahil isa siya mga artistang nangingibabaw sa industriya ng showbiz. Mas lalo namang nakilala ang aktres, dahil sa nakakakilig na tambalan nila ng kanyang on-screen partner at real life boyfriend na si Daniel Padilla. Kilala nga ang kanilang nakakakilig na tambalan sa tawag na KathNiel.




Samantala, ang relasyon ng magkasintahan ay talagang matibay, at maganda rin ang relasyon sa kani-kanilang pamilya. Kaya naman, anuman ang okasyon sa pamilya ng bawat isa, ay hindi nawawala ang magkasintahan. Kagaya na lamang ng salubungin ng pamilya ni Kath ang bagong taon sa isla ng Boracay, dahil kasama rin ang kanyang nobyong si Daniel.

Sa latest vlog ni Kath na mapapanood sa kanyang Youtube Channel na pinamagatang “Welcoming 2021 in Boracay: Our Wishes and Goals this Year”, ipinasilip ng aktres ang masayang pagsalubong ng bagong taon at ibinahagi rin ang kanilang mga wish at goal para sa taong 2021.

Photo credits: Kathryn Bernardo | IG

Mapapanood nga sa naturang vlog, ang mga kaganapan magmula sa byahe hanggang sa kanilang masayang bonding sa beach. Ipinakita ni Kath ang kanyang paghahanda para sa party ng pagsalubong ng New Year. Si Kath ang mismong nag-ayos ng kanyang buhok, at nag-make up sa sarili. Suot ang kulay puting damit, ay sadyang napakagandang pagmasdan ni Kath. Gabi nga ng Disyembre 31, ay masayang sinalubong ni Kath ang New Year kasama ang kanyang pamilya at boyfriend na si Daniel sa naturang party.

Photo credits: Kathryn Bernardo | IG

Sa ikalawang araw ng kanilang pananatili sa isla ng Boracay, ay inenjoy naman ni Kath at ng kanyang pamilya ang beach kung saan masaya silang nagswimming at nagbonding. Habang nag-eenjoy at nagrerelax ang bawat isa, ay abala naman si Kath na tanungin ang miyembro ng kanyang pamilya, kung ano ang mga hiling at goal para sa taong 2021.




Photo credits: Kathryn Bernardo | IG

At karamihan nga sa mga ito ay sinabi na nais nilang magkaroon ng malusog na pangangatawan, at masayang buhay ngayong taon. Maging si Kath ay ibinahagi rin ang kanyang wish at goal, at tulad ng nakararami, ang nais rin ng aktres ay maging malusog at maalagaang mabuti ang sarili, lalo na ngayong marami ang kumakalat na sakit. Hiling rin ni Kath para sa kanyang pamilya, ay maging ligtas at malusog ang mga ito.

error: Content is protected !!