Connect with us

Entertainment

Silipin: Buhay Quarantine Nina Dabarkads Bossing Vic, Pauleen Luna At Baby Talitha

Published

on

Masasabing sobrang laking pagbabago ang naidulot ng CoVid-19 sa personal na pamumuhay ng isang tao. At maging ang mga killalang personalidad ay kinailangang makibagay din sa kasalukuyang sitwasyon.

At para kina Bossing Vic at Pauleen Luna matapang at masayang hinarap nilang bagong new normal kasama ang kanilang anak na si Baby Talitha kung saan kinailangan nilang manatili sa loob ng kanilang tahanan bunsod ng ipinatutupad na community quarantine sa buong bansa.



Samantala, paano nga ba ginugol ng pamilya ni Bossing Vic ang kanilang pananatili sa loob ng kanilang tahanan;

Quarantine

Isa siguro sa magandang pangyayari na naidulot nito ay ang pagkakaroon ng maraming oras ng celebrity mom and dad sa cute na cute na si Baby Talitha.

Praise and Worship

Matatandaang nagdaos ng live online worship sina Bossing Vic at Pauleen kasama ang iba pang kasamahan sa longest running noontime show.

Prayer Time

Photo credits: team_bosleng | IG

Samantala, hindi naman napigilan ng pandemta ang taunang pagdiriwang nina Bossing Vic at asawang si Pauleen ng kanilang semana santa lalo na ang tradisyonal na ‘Pabasa’.

Baby Talitha

Photo credits: team_bosleng | IG

Sa kabilang banda, masasabing ang pinakamasaya sa pananatili nila sa loob ng kanilang tahanan ay ang unica hija nina dabarkads Bossing Vic at Pauleen dahil lahat ng oras ay kasama niya ang mga magulang.



Bossing 66th Birthday

Photo credits: team_bosleng | IG

Isang simpleng pagdiriwang naman ang ginanap noong April 28 sa kanilang tahanan para sa ika-66 na kaarawan ng “Enteng Kabisote” star.

Plantita De Pualeen Luna

Photo credits: team_bosleng | IG

Isa naman ng certified na green planter naman ang 31-taong gulang na celebrity mommy.

Daddy and Baby Indoor Camping

Photo credits: team_bosleng | IG

At dahil hindi pwedeng lumabas naisip ng mag-asawa na magset-up ng isang indoor camp kasama si Baby Talitha.

Talitha’s Potty Training

Photo credits: team_bosleng | IG

Sa isang larawan na may caption na “success” ay makikita matagumpay na nagawa ni Baby Talitha ang kanyang potty training.



Lola Mommy and Baby Talitha

Photo credits: team_bosleng | IG

Samantala, naging masaya naman ang mag-inang si Pauleen at Baby Tali ng minsang dumalaw si Lola Chat upang makabonding sa isang sleep-over ang anak at apo.

Swim Time

Photo credits: team_bosleng | IG

At dahil sa madaming oras upang magkasama mas madalas ang pamilya sa kanilang swimming pool kung saan ay tinuruan na ng dabarkads celebrity couple si baby Tali na lumangoy habang bata pa.

Dressing-Up Like Moana

Hindi naman naging dahilan kay Baby Talitha na hindi na magsuot ng magagandang damit kahit pa nasa loob lamang siya ng kanilang tahanan.



Mommy Pauleen and Baby Talitha

At hindi naman maitatangging naging creative na ang magandang mommy-actress sa mga itinuturo sa anak mula sa panimulang abc alphabet hanggang sa pagsasayaw. Sa katunayan makikita ang ilang larawan at video na masaya ang mag-ina sa kanilang mommy-daughter bonding

Daddy Vic and Baby Tali’s Cuddle Time

Hands on at loving daddy naman ang “Daddy’s Girl” actor sa pag-aasikaso sa malambing na anak at mas madaming oras na sila para sa kanilang mga kulitan moment.

Good Life

Sa kabilang banda, kahit pa kinailangan nila Bossing Vic at Pauleen Luna na mas manatili sa loob ng kanilang tahanan ay masasabing masaya at labis ang kanilang pasasalamat na mas nagkaroon sila ng mas maraming panahon kasama ang anak.

error: Content is protected !!