Connect with us

Entertainment

Silipin ang Walang Kupas na Kagandahan ng Tinaguriang Megastar sa Industriya ng Showbiz na si Sharon Cuneta sa kanyang mga Throwback Photos

Wala na ngang hihigit pa sa nag-iisang Megastar sa industriya ng showbiz na si Sharon Cuneta o kilala rin bilang Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan. Kilala bilang isang singer, endorser at mahusay na aktres sa industriya, kaya naman hindi nakapagtataka na tumagal siya sa industriya ng showbiz sa loob ng 40 taon.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

At sa loob ng mahabang pahanong pananatili sa showbiz, ay talagang pinatunayan niya ang kanyang husay bilang isang multi-awarded film actress, record-breaking singer at concert performer. Maliban rito, ay isa rin siyang top-rated TV host at isa sa kinikilalang highest-paid commercial endorsers sa bansa. Walang duda na ang tagumapy niyang ito, ay katunayan nga upang bansagan siyang Megastar.




Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Sa kasabay naman ng tinatamasang tagumpay ng kanyang karera, ay hindi rin naman maikakaila na ang kanyang angking kagandahan at karisma ay hindi kumukupas. Magmula nga noong nagsimula siyang pasukin ang showbiz, hanggang sa kasalukuyan ay talagang masisilayan ang kagandahan ng nag-iisang Megastar.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Nagsimula sa showbiz noong taong 1978 sa edad na 12 taong gulang bilang isang mang-aawit, ay ipinamalas na ni Sharon ang kanyang husay. Sa kanyang maamo at inosenteng mukha, ay nakatago ang talentong hinahangaan ng lahat. Sa kanyang awiting Mr. DJ, ay talaga nang nabighani ang publiko sa napakaganda niyang tinig.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Noong dekada 80 naman ay nagsimula nang mamayagpag ang kanyang karera sa larangan ng pag-arte. Nadiskubre ang kanyang husay sa pag-arte sa kauna-unahan niyang pelikula na “Dear Heart” kung saan nakasama niya ang mahusay na aktor na si Gabby Concepcion. Ang kanilang tambalan nga ay naghatid ng kilig sa mga manonood na talagang tinangkilik ang kanilang pelikula kung kaya’t nasundan pa ang kanilang pelikula. Talaga nga namang nakakakilig ang bawat karakter at eksenang ginagawa sa bawat pelikula, kaya naman ang pag-iibigan on-screen ay nauwi sa totoong buhay.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

At matapos ipagdiwang ni Sharon ang kanyang 18th birthday, ay nagpakasal siya kay Gabby noong ika-12 ng Setyembre 1984 sa Manila Cathedral. Ang kanilang pag-iibigan ay nagbunga naman ng isang supling, siya ang aktres na si KC Concepcion. Hindi naman nagtagal, ay nauwi ang kanilang relasyon sa hiwalayan noong 1993. At ikinasal naman ulit si Sharon sa politician na si Francis Pangilinan noong Abril 28, 1996.




Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Samatala,tunay nga na ang angking galing ni Sharon sa pag-arte, ay talagang kahanga-hanga kung saan ay bumuhos ang mga proyekto at pelikula sa kanyang showbiz career at nagkamit siya ng napakaraming awards tulad na lamang ng pagiging Best Actress sa FAMAS. At dahil sa walang humpay na tagumpay ng kanyang mga pelikula, na talagang box office hit ay tinawag rin siyang Box Office Queen at Box Office Hall of Fame noong dekada 90.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Talaga nga namang isang tunay na Megastar si Sharon, sa daming kanyang natamong parangal. Sa 40 taong pananatili nga sa showbiz, ay nakagawa siya ng 50 pelikula, nakapaghost ng 10 TV shows, at nakapag-record mahigit 40 albums.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Sa kasalukuyan nga, ay patuloy siyang hinahangaan ng publiko. At tulad ng mga pelikulang kanyang ginawa, na hindi nawawala sa puso’t isipan ng kanyang mga tagahanga, ay hindi rin kumukupas ang kanyang angking kagandahan.

Photo credits: Sharon Cuneta | IG

Makikita nga sa mga larawang ibinabahagi niya sa Instagram na talagang napakaganda niya parin sa edad na 55. Maliban rito, ay mapapansin rin ang malaking pagbabago kanyang katawan, na ngayon nga ay unti-unti nang naibabalik ang mganda niyang hubog ng katawan dahil sa kanyang pagda-diet.

error: Content is protected !!