Connect with us

Entertainment

Silipin ang Transformation ng mga Dating Child Star at Teen Star Na Taglay na Ngayon ang Kahanga-hangang Kagandahan

Marahil ang isa sa pinakahamon sa buhay ng bawat isa sa atin ay ang nagaganap na pagbabago sa ating anyo sa pagdaan ng panahon. Habang tumatagal nga, ay dumadagdag ang ating edad at nagkakaroon rin ng pagbabago sa ating pisikal na anyo, na sadyang natural lamang mula pagkabata hanggang sa pagtanda.

Nasaksihan na rin natin ang transformation ng ilang celebrities sa showbiz mula sa pagiging isang child star at teen star hanggang sa pagiging isang ganap na dalaga na taglay ang kahanga-hangang kagandahan.

1. Maja Salvador

Noon pa man ay taglay na ng aktres na si Maja Salvador ang natural na ganda. Ngunit, mas lalo itong lumutang sa unti-unting pamamayagpag ng kanyang karera. Ang natural na ganda at karisma ni Maja ay napukaw ang atensyon ni Charo Santos nang makapanayam sa The Buzz noong 2003.

Photo credits: google.com

At magsimulang makilala sa showbiz nang maging bahagi ng pelikulang “It Might Be You” kung saan nakasama niya sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Photo credits: google.com

Sa pagdaan ng panahon, ay mas lalo pa niyang pinatunayan ang kanyang angking talento sa pag-arte, maging sa kanyang talento sa singing at dancing.

2. Arci Muñoz

Unang nakilala ang aktres na si Arci Muñoz sa reality talent search na StarStruck noong 2005 sa GMA Network.

Photo credits: google.com

Mas lalo namang naging matunog ang pangalan ni Arci sa showbiz nang lumipat siya ng ABS-CBN kung saan ay dinagsa ng napakaraming proyekto ang kanyang karera.

Photo credits: google.com

At kasabay rin nito ang kanyang kahanga-hangang transfornation na sadyang napakaganda. Ilan sa kanyang mga naging proyekto sa ABS-CBN ay “Magpahanggang Wakas” (2016) at “Ikaw Lang ang Iibigin” (2019).

3. Kim Chiu

Sumikat ang aktres na si Kim Chiu matapos maging Grand Winner ng reality talent show na Pinoy Big Brother. Matapo maitanghal na panalo ay biglang dinagsa ng mga proyekto ang kanyang karera.

Photo credits: google.com

Sa kanyang angking ganda ay tinagurian si Kim sa showbiz bilang Chinita Princess. Isa naman sa hindi makakalimutang love team sa showbiz ay ang tambalan nila ni Gerald Anderson.

Photo credits: google.com

4. Kathryn Bernardo

Sa murang edad ay pinasok na ni Kathryn Bernardo ang showbiz bilang isang childstar. Nakilala ang cute na batang si Kathryn sa kanyang pagganap bilang Maya sa Super Inggo.

Photo credits: google.com

Sa pagdaan ng panahon ay binansagan naman siyang Teen Queen, at nang maglaon ay naging Queen of Hearts na nagbibigay saya at kilig sa kanyang mga tagahanga hanga sa mga teleserye at pelikula kasama ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.

5. Loisa Andalio

Matapos magwaging Big Winner sa PBB ay agad na isinalang sa lead role ang aktres na si Loisa Andalio sa “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita”.

Photo credits: google.com

Sadyang napakaganda naman ni Loisa noon pa man, at ngayon nga na isa na siyang ganap na dalagang aktres ay mas lalo siyang gumanda. Napakahusay rin ni Loisa pagdating sa pag-arte na talagang kinabibiliban ng marami.

Photo credits: google.com

6. Alexa Ilacad

Ang dating Goin’ Bulilit star na si Alexa Ilacad ay isa na nga ngayong ganap na dalaga na sadyang may maganda at maamong mukha. Bumuhos rin ang proyekto sa karera ni Alexa at ngayon ay mapapanood sa teleseryeng “Init sa Magdamag”.

Photo credits: google.com

7. Erich Gonzales

Habang tumatagal ay paganda ng paganda ang aktres na si Erich Gonzales. Matapos namang magwagi sa Star Circle Quest ay agad siyang nagkaroon ng mga teleserye at pelikula. Isa nga sa talagang sumubok sa kanyang kakayahan bilang isang mahusay na aktres ay ang teleseryeng “The Blood Sisters”.

Photo credits: google.com

8. Nadine Lustre

Lumikha rin ng sariling pangalan sa showbiz ang aktres na si Nadine Lustre. Minsan ring nagbigay ng kilig sa kanilang mga tagahanga ang tambalan nila ng aktor na si James Reid. Isa na nga rito ang pinagsamahan nilang pelikula noong 2014 na “Diary ng Panget”. Sa ngayon, ay patuloy na namamayagpag ang karera ni Nadine sa showhiz. Nakatuon rin ang pansin ni Nadine sa music at kilala rin siya bilang isang fashion icon.

Photo credits: google.com

9. Julia Barretto

Marami rin ang humahanga sa angking kagandahan ng aktres na si Julia Barretto.

Photo credits: google.com

Taong 2006 nang pasukin ni Julia ang showbiz at sumikat nang makasama sa melodrama na “Gulong ng Palad”.

Photo credits: google.com

Nasaksihan rin ng publiko ang matamis na pag-iibigan nila ng aktor na si Joshua Garcia on and off screen. Ngunit, sa huli ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. At ngayon nga, ay masaya na si Julia sa piling ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

10. Liza Soberano

Photo credits: google.com

Ang mala-dyosang kagandahan ng aktres na si Liza Soberano ay hindi naman talaga nakakasawa. Isa nga siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Bukod rito, ay marami ring humahanga sa kanyang husay sa pag-arte lalo na nga kapag nakakasama niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil sa mga teleserye o pelikula para maghatid ng kilig sa mga manonood.

error: Content is protected !!