Connect with us

Entertainment

Silipin ang Throwback Cute Baby Photos ng mga Sikat na Celebrities na ito

Marahil marami sa atin ang nagtataka kung ano nga ba ang hitsura ng mga iniidolo nating artista noong sila’y mga maliliit na bata pa lamang. At ngayon ngang nagkaroon ng lockdown ang kumonidad, isa sa kinagiliwan at naging libangan sa social media ang pagbabahagi ng mga throwback photos. Kaya naman ang mga sikat at kilalang artista ay kumasa rin at nagbahagi ng kanilang throwback photos sa social media sa gitna ng lockdown na pinairal ng gobyerno.




Narito ang ilan sa mga kilalang artista na nagbahagi ng kanilang throwback photos noong sila’y mga cute na bata pa lamang.

Robi Domingo

Ang cute na batang nasa larawan ay si Robert Marion Eusebio Domingo o mas kilala natin bilang Robi Domingo sa industriya. Una siyang nasilayan nang sumali siya sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus kung saan tinanghal siya bilang first runner up noong 2008. Sa katagalan nga ay bahagi na siya ng ABS-CBN talents sa pangangalaga ng Star Magic. Sa kasalukuyan ay kilalang mahusay na host at VJ na si Robi.

Alex Gonzaga

Si Catherine Cruz Gonzaga o nakilala natin bilang Alex Gonzaga sa industriya ay kapatid ng aktres na si Toni Gonzaga. Si Toni ang naging tulay upang makapasok sa showbiz ang kanyang kapatid. Sa kasulukuyan ay namamayagpag ang karera ng aktres sa industriya. Kilala rin si Alex bilang sikat na Vlogger sa bansa. Naengaged naman siya sa kanyang fiancee na si Mikee Morada noong January 16, 2020.




John Prats

Kilala sa tunay na buhay si John Prats bilang John Paulo Quiambao Prats. Nagsimula sa sa showbiz noong 1992 bilang isang child star na talagang hinangaan ng publiko. Kilala rin siya sa industriya bilang kapatid ng aktres na si Camille Prats. Ang kanya namang napangasawa ay ang aktres na si Isabel Oli kung saan ay nabiyayaan ang kanilang pagsasama ng dalawang anak.

Mariel Rodriguez Padilla

Maria Erlinda Lucille Sazon Termulo sa totoong buhay ang pangalan ni Mariel. Nagsimula siya bilang modelo sa mga commercial bago tuluyang makapasok sa industriya. Matapos ang ilang taon naging VJ naman siya hanggang sa maging host ng ilang programa sa ABS-CBN. Naikasal naman siya kay Robin Padilla noong 2010 sa Taj Mahal sa Agra, India.




Roderick Paulate

Si Roderick Paulate ay nakilala at nagsimula sa industriya bilang child actor noong 1968. Tumatak sa publiko ang pagganap niya ng mga gay roles sa mga pelikula. Isa rin siyang komedyante at host hanggang sa pinasok na niya ang politika.

Dianne Medina

Si Dianne Medina ay sikat na aktres sa industriya ng showbiz. Nahasa ang kanyang kakayahan sa pag-aartista sa ilalim at pangangalaga ng ABS-CBN talent sa Star Magic. Ang kanyang asawa naman ay ang aktor na si Rodjun Cruz, kung saan ikinasal sila noong December 21,2019.

Eula Valdez

Si Julia Amorsolo Valdez ay nakilala sa kanyang pagganap ng Amor Powers sa orihinal na bersyon ng Pangako Sayo. Siya ay kilala ring apo ng sikat na pintor na si Fernando Amorsolo. Sa kasalukuyan naman ay bahagi siya ng teleserye ng ABS-CBN na Love Thy Woman.




Denise Laurel

Denise Maria Sanz Laurel o mas kilala bilang Denise Laurel ay kilalang aktres sa industriya ng showbiz at isa ring mang-aawit.

Anne Curtis

Anne Curtis Smith Heusaff ay isang Filipino-Australian actress sa ating bansa. Dati rin siyang host ng programang It’s Showtime sa ABS-CBN, ngunit sa kadahilanang nanganak at kinakailangang magpahinga ay tumigil muna siya sa paghohost. Ang kanyang napangasawa ay si Erwan Heusaff na kilalang vlogger at kasalukuyang naninirahan ngayon sa Australia kasama ang kanilang anak na si Dahlia.




Dawn Zulueta

Marie Rachel Salman Taleon-Lagdameo sa totoong buhay o mas kilala bilang Dawn Zulueta ay isang aktres, host at commercial model sa ating bansa.

Richard Gutierrez

Richard Kristian Rama Gutiérrez o mas kilala bilang Richard Gutierrez ay isang American-born Filipino Actor sa bansa at isa ring modelo. Marami sa pamilya ng Gutierrez ang nasa industriya ng showbiz ang hinahangaan ng publiko dahil sa ganda at karisma ng kanilang katangian.

Si Raymond Gutierrez naman ang kakambal ni Richard, nakakatandang kapatid naman niya si Ruffa Gutierrez. Samantala, kamakailan lamang nang magpakasal sina Richard at Sarah Lahbati na kung saan ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan na ng dalawang anak bago pa man sila ikasal.

error: Content is protected !!