Connect with us

Entertainment

Silipin ang Tahimik at Simpleng Buhay Ngayon ng Dating Aktres na si Donita Rose sa Amerika Bilang Isang Single Mom at Corporate Chef

Hindi natin maikakaila na sa taglay na talento at husay ng aktres na si Donita Rose, ay marami rin ang napahanga. Ngunit, matagal-tagal na ring hindi napapanood sa telebisyon si Donita magmula nang lisanin niya ang nakagisnang karera noong taong 2020.

Credit: Donita Rose | Instagram

At ngayon nga, ay masaya na siyang naninirahan sa Amerika kasama ang kanyang pamilya. Isa rin sa dahilan ni Donita kung bakit mas pinili niyang lisanin ang showbiz, ay upang tuparin ang isa sa kanyang mga pangarap, ang maging isang Chef.

Sa isang panayam ni Dyan Castillejo kay Donita ay inamin ng aktres na labis siyang naapektuhan ng pandemya kung saan nga ay talagang nahirapan siyang kumita ng pera dito sa Pilipinas, kung kaya’t pagpasya na siyang sa Amerika manirahan.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na hiwalay na si Donita sa ama ng kanyang anak na ni Eric Villarama. At dahil dito, ay wala na siyang aasahan pa mula rito kahit na suporta man lang para sa kanilang anak.

Credit: Donita Rose | Instagram

Taong 2001 nang magkakilala sina Donita at Eric sa Angeles, Pampanga at matapos lamang ang dalawang taon, taong 2003 ay nagpasya na silang magpakasal. Ang kanilang pagsasama naman ay agad na biniyayaan ng isang lalaking anak na pinangalanang Joshua Paul na isinilang ni Donita noong 2004.

Nagsimula namang nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama noong 2015. At matapos nga ang halos 12 na taong pagsasama bilang mag-asawa, ay tuluyan nang humantong sa paghihiwalay ang kanilang relasyon at napawalang bisa ang kanilang kasal noong Disyembre 2016.

Credit: Donita Rose | Instagram

Samantala, ngayong mag-isa na sa buhay si Donita ay nakatuon na lamang ang kanyang atensyon sa kanyang pamilyang nasa Amerika at kanyang anak. Kaya naman, talagang miss na miss niya ang kanyang pamilya doon habang siya’y nasa Pilipinas. At upang makasama ang pamilya lalo na ngayong pandemya, ay nagpasya na siyang lumipad patungong Amerika.

Credit: Donita Rose | Instagram

“My whole life, I’ve been there in the Philippines without my family, so pag bakasyon lang minsan, in the beginning, it was twice a year and then it became once a year and then it became every other year.”

“When I came back during the pandemic, I just realized how much I missed my family,” pahayag ni Donita sa isang panayam sa kanya ni Lhar Santiago sa Chika Minute.

Kahit nasa Amerika na ngayon si Donita kasama ang kanyang pamilya, ay ayaw pa niyang sabihin na for good na siya doon. Ito nga ay dahil hindi pa niya isinasara ang pinto na bumalik sa Pilipinas para muling magtrabaho. At ang dahilan ni Donita kung bakit nasa Amerika siya ngayon, ay dahil naroon lahat ang kanyang pamilya.

Credit: Donita Rose | Instagram

“I dont want to say for good because I had said that so many times before. I’m not closing my doors to the Philippines. Ang problema lang talaga is that my entire family is here in the US.”

“I think going back to the Philippines naman is not a problem because I love the Philippines, I have so many close friends, people I can always tell them na if ever I needed anything from you, I know I could call you.”

Credit: Donita Rose | Instagram

Inamin naman ni Donita na naibenta na niya ang halos lahat ng kanyang ariarian sa Pilipinas. Sa ngayon, ay masaya naman na si Donita sa kanyang buhay sa Amerika dahil isa na rin siyang Chef doon.

Ito naman ay kanyang inanunsiyo sa kanyang social media noong nakaraang buwan ng Abril. Siya ngayon ay corporate chef sa isang supermarket chain na pagmamay-ari ng isang Pinoy sa Amerika.

error: Content is protected !!